Yap nakuha ang unang ‘Player of the Week’ title sa 2017 PBA Commissioner’s Cup – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Yap nakuha ang unang ‘Player of the Week’ title sa 2017 PBA Commissioner’s Cup


Itinanghal na Philippine Basketball Association (PBA) “Player of the Week” si James Yap matapos na dalhin sa back-to-back victories ang defending champion na Rain or Shine Elasto Painters sa kabubukas pa lamang na 2017 Commissioner’s Cup.

Bumida ang two-time “PBA Most Valuable Player” sa dalawang laro ng Elasto Painters kontra-NLEX at Mahindra.

Sa pagsisimula ng midseason conference, nakapagtala si Yap ng average na 19.0 points at 3.0 rebounds at dinaig ang young backcourt ng MERALCO Bolts na si Base Amer at Chris Newsome.

Susunod namang makasasagupa ng Elasto ang Blackwater Elite sa Linggo.

Share it for others to know as well

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *