Westbrook naitala ang ika-34 na triple double sa NBA


Muling nagpakitang-gilas si Oklahoma City Thunder star Russell Westbrook sa laban nila kontra Toronto Raptors.

Nasungkit ni Westbrook ang kanyang ikatatlumpu’t apat na triple-double season performance sa kanyang 24 na puntos, 16 assists at 10 rebounds.

Tinapos ng OKC ang laro sa iskor na 123-102.

Nag-ambag naman ng 23 puntos si Victor Oladipo para sa Thunder samantalang 22 puntos naman ang ipinoste ni Demar Derozan para sa Raptors.

Sunod na makahaharap ng OKC ang Sacramento Kings samantalang Detroit Pistons naman ang makalalaban ng Raptors.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *