Vicki Belo, Hayden Kho magpapakasal na


Magpapakasal na ang celebrity doctors na sina Vicki Belo at Hayden Kho, Jr.

Gagawin umano ang kasal sa Paris, France sa Setyembre ngayong taon.

Ayon sa source, nakatanggap umano ng text message ang malalapit na kaibigan ng dalawa  mula kay Scarlet Snow na nagsasabing ikakasal na ang kanyang mga magulang.

Si Scarlet ang anak nina Belo at Hayden na ipinanganak ng isang surrogate mother.

Naging makulay at kontrobersiyal ang relasyon ng dalawa nang masangkot sa video scandal si Hayden at naghiwalay sila noong 2012 pero makalipas ang dalawang taon ay  nagkabalikan din ang dalawa.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *