Vice Ganda aminadong nakararamdam na ng pagkalaos

Inamin ni Vice Ganda na may pagkakataong pakiramdam niya ay laos na siya at hindi na tinatangkilik ng mga tao.

Sinabi ito ni Vice sa pagdiriwang ng kanyang ikaapatnapu’t isang kaarawan.

Pabiro pang sinabi ni Vice na inakala niyang tapos na ang karera ng kabayo.

Pero na-realize naman daw ng komedyante na panandalian lang lumingon sa iba ang fans at bumalik din ang pansin ng mga ito sa kanya.

Samantala, natupad na ang isa sa pangarap ni Arnel Pineda na makita sa personal ang original lead vocalist ng bandang Journey na si Steve Perry.

Sa kanyang social media account, ibinahagi ng singer ang pagkikita nila ni Steve sa “Rock and Roll Hall of Fame” sa New York City.

Ayon pa rito, 35 years siyang naghintay para sa pagkakataong makita at mayakap ang isa sa kanyang mga iniidolo.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *