Vice chairman ng Samsung Electronics, pinakakasuhan dahil sa political scandal


Pinakakasuhan na ng mga special prosecutor sa South Korea (SoKor) si Samsung Electronics Vice Chairman Lee Jae Yong.

Kasong bribery, embezzlement at iba pang kasong may kaugnayan sa kontrobersiyang naging dahilan kung bakit na-impeach si South Korean President Park Geun-Hye.

Ang Samsung ang pinakamalaking negosyo sa SoKor at malaki rin ang ambag nito sa ekonomiya ng nasabing bansa.

Bukod kay Lee, plano rin ng prosekusyon na kasuhan ang apat pang opisyal ng Samsung dahil sa pag-aalok ng suhol, embezzlement, pagtatago ng assets sa ibang bansa.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *