Venus Raj, masayang ipinagmalaki ang pagkumpleto sa master’s degree sa UP

Masayang ipinagmalaki ni 2010 Miss Universe Fourth Runner-Up Venus Raj ang pagkumpleto nito sa kanyang Master’s Degree in Community Development sa University of the Philippines (UP).

Sa Instagram post ni Venus, makikita ang graduation picture niya na nakasuot ng traditional UP sablay.

Sa caption ng beauty queen ay pinasalamatan niya ang lahat ng tumulong at nanghikayat sa kanya para tapusin ang kurso.

Nagbigay rin siya ng mensahe sa kapwa graduates na dapat ay hindi sila huminto sa pag-aaral.

Nakuha ni Venus ang kanyang Bachelor’s Degree in Communication Arts sa Bicol University.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *