US State Dept nababahala sa kaso ng EJKs sa bansa


Nagpahayag ng pagkabahala ang US State Department sa war on drugs at paglobo ng bilang ng extrajudicial killings (EJKs) sa Pilipinas.

Sa isang statement, sinabi ng US State Department na mayroon silang ‘sustained and deep concern’ dahil labag na sa batas ang operasyon ng mga elemento ng war on drugs.

Hinimok nito ang bansa na manatiling committed sa pag-iimbestiga sa mga kaso ng EJKs.

Mananatili umano ang pakikipag-ugnayan ng US State Department sa Pilipinas at matutulungan ang bansa sa drug rehabilitation at sa pagmo-monitor sa galaw ng droga papasok ng bansa.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *