US Pres. Donald Trump, bumaba ang approval rating

Sa Washington…

Mahigit kumulang 36 na porsyento na lamang ang nagtitiwala sa performance ni US President Donald Trump ayon sa isang poll.

Ito na ang pinakamababang approval rating ng isang pangulo sa anim na buwang marka sa loob ng 70 taon.

Ang approval rating ni Trump ay bumagsak mula 42% noong ikasandaang araw niya sa opisina nitong Abril.

Ang kanya namang disapproval rating ay tumaas naman ng 5 puntos kung saan nagtala ito ng 58% disapproval rating.

Sa kabilang banda, dinepensahan naman ni Trump ang kanyang sarili sa kanyang twitter account at sinabing ito na ang pinaka-inaccurate na poll kahit noon pang eleksyon.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *