Thursday, April 27, 2017
Home > International News > US nakikipagtulungan sa China para tapatan ang nuclear program ng NoKor

US nakikipagtulungan sa China para tapatan ang nuclear program ng NoKor


Nakikipagtulungan na umano ang United States sa China sa posibleng itugon sa nuclear at missile program ng North Korea (NoKor).

Sinabi ni US Top Security Adviser Lieutenant General H.R. McMaster na hindi matatanggap ni President Donald Trump na maisailalim sa banta ng NoKor ang Amerika at ang mga kaalyado nitong bansa.

Ginawa niya ang pahayag matapos pumalya ang missile test launch ng NoKor at ang ginawang pagpaparada ng mga kagamitang pangmilitar kamakailan ng naturang bansa.

Wala namang komento ang China sa sinasabing kooperasyon ng US laban sa komunistang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *