Thursday, April 27, 2017
Home > National News > Umano’y abusadong taxi driver sa isang viral video, sinampahan na ng kaso

Umano’y abusadong taxi driver sa isang viral video, sinampahan na ng kaso

Pansamantalang ikinulong sa Quezon City Police Department Headquarters ang umano’y abusadong taxi driver na si Roger Catipay.

Si Catipay ang taxi driver na nakuhaan sa viral video na minura at binantaan ang kanyang 2 pasaherong babae.

Dinala mismo ni LTFRB Chairman Winston Ginez ang nasabing taxi driver sa Camp Caringal para sa inquest.

Una na rito, tumanggi sa alok ni Ginez si Catipay na sumailalim sa drug test.

Sa paghaharap naman ni Catipay at ng nagreklamong pasahero na kinilalang si Joanna Garcia, todo ang paghingi ng tawad ng taxi driver ngunit hindi ito tinanggap ni Garcia.

Nahaharap din sa patong-patong na kaso ang nasabing taxi driver.

Maaari rin umanong makansela ang prangkisa ng operator ng AFG taxi kung saan driver si Catipay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *