U.S Embassy, naglabas ng travel advisory sa mga mamamayan nito matapos matagpuan ang isang IED malapit sa embahada


Pinaalalahanan ng U.S Embassy dito sa Pilipinas ang mga mamamayan nito na maging alerto matapos may makitang pampasabog malapit sa embahada.

Sa isang travel advisory na inilabas ng embahada, pinayuhan nito ang mga amerikano sa bansa na rebyuhin ang mga personal na security plans, maging mapagmatiyag at manatiling naka-antabay sa mga balita.

Matatandaang isang improvised explosive device ang natagpuan noong lunes 250 kilometro ang layo sa embahada.

Nagpaalala rin ang U.S Embassy sa inilabas na worldwide caution ng U.S State Department noon pang Setyembre patungkol sa umano’y banta ng terorismo at karahasan laban sa mga amerikano.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *