Twitter account ng McDonald’s na-hack – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Twitter account ng McDonald’s na-hack


Agad na binura ng McDonald’s Corporation ang tweet mula sa kanilang Twitter account na pumupuna kay US President Donald Trump.

Ayon sa kumpanya, na-hack ang kanilang Twitter account base na rin sa kanilang isinagawang imbestigasyon.

Sa nasabing tweet, binanggit ang Twitter handle ni Trump at tinawag itong ‘disgusting excuse’ para maging pangulo ng Amerika.

Nais din umano nitong makabalik sa puwesto ang pinalitan ni Trump na si Barack Obama.

Pinansin din ng nag-tweet ang umano’y maliliit na kamay ni Trump.

Wala namang komento ang Twitter at si Trump sa insidente.

Magkakahalong reaksiyon naman ang inani ng nasabing tweet mula sa mga tagasuporta at kritiko ni Trump.

Share it for others to know as well

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *