Tsismis na may anak si Marlon Stockinger kinumpirma ng dating nakarelasyong model


Ibinunyag ng model at fitness enthusiast na si Kit Barraquias na isa na ngang ganap na ama ang Filipino-Swiss car racer at ngayo’y kasintahan ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na si Marlon Stockinger.

Ayon kay Kit, si Marlon ang biological father ng kanyang kambal na ngayon ay pitong taong gulang na.

Kuwento ng model, taong 2009 nang ipanganak niya ang kanilang mga anak sa isang private hospital via caesarean section.

Isang taon lang aniya nagtagal ang kanilang relasyon ni Marlon at naghiwalay sila noong apat na buwan na siyang buntis.

Labingwalong taon lamang umano si Marlon noon at siya ay nasa 27 taong gulang.

Sa ngayon, wala pang komento si Marlon sa isyu.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *