Tuesday, April 25, 2017
Home > International News > Trump, lumagda sa EO ng 2 kontrobersyal na oil pipelines

Trump, lumagda sa EO ng 2 kontrobersyal na oil pipelines


Nilagdaan ni United States President Donald Trump ang Executive Order para sa dalawang kontrobersyal na oil pipelines.

Pinayagan ni Trump na maipagpatuloy ang naunsiyaming Dakota Access Pipeline at Keystone XL na ipinatigil ng Obama Administration at dahil na rin sa protesta ng mga Native Americans.

Ayon kay Trump, subject pa sa “Renegotiated Terms and Conditions” ang dalawang proyekto pero makakatulong aniya ito para makalikha ng maraming trabaho.

Agad namang ikinagalit ng mga environmentalist group ang ginawa ni Trump.

Anila, apat na araw pa lamang mula nang maupo sa pwesto si Trump pero pinapatunayan na nito ang pagiging banta sa klima at kalikasan.

Maituturing rin umano itong sampal sa mga Native Americans at pagbalewala sa kanilang land at water rights.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *