Trillanes muling hinamon si Duterte na kasuhan siya


Muling hinamon ni Senador Antonio Trillanes IV si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng alegasyon niyang pagkakaroon ng pangulo ng tagong yaman.

Sa isang statement, sinabi ni Trillanes na kung hindi totoo ang report ng media sa kanyang alegasyon, dapat ay kasuhan siya ni Duterte ng libel.

Itinama rin ni Trillanes ang pahayag ni Duterte na 200 million pesos ang kinukuwestiyon niyang yaman ng pangulo.

Ayon sa senador, dalawang bilyong piso ang kabuuan ng tagong yaman diumano ni Duterte.

Muli ring sinabi ni Trillanes na pumirma na lang ng waiver si Duterte para aniya magkaalaman na.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *