Transformers at substations ng NGCP, isinasaayos na 

Target ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na maayos ang anim na  substation transformers sa Cebu ngayong araw.

Ayon sa NGCP, kailangang maayos na ang transformer para makadaloy ang suplay ng kuryente sa Ormoc dahil kung hindi ay mananatili lang ito sa Cebu.

Hanggang ngayon ay hindi pa ayos ang transmission lines papuntang Ormoc.

Samantala, inihahanda naman na ng NGCP ang Tabango Substation para makapag-generate ng 64 megawatts ngayong araw.

Patuloy pa rin ang ginagawang pagsasaayos ng NGCP sa mga linya ng kuryente na napinsala ng lindol.

PHOTO COURTESY: @alvinelchico

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *