Traffic enforcers, mga pulis magbabantay sa pasukan


Magtatalaga ng nasa mahigit dalawang libong traffic enforcers ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa lahat ng paaralan sa pagsisimula ng pasukan sa Lunes, Hunyo 5.

Sa isinagawang inter-agency command conference para sa “Oplan Balik-Eskwela 2017” ng Department of Education (DepEd), aabot sa 2,296 traffic enforcers ang itatalaga para sa anti-jaywalking, anti-smoking at sidewalk clearing.

Magtatalaga rin ang Philippine National Police (PNP) ng karagdagang puwersa para tiyakin ang seguridad ng mga guro at mga estudyante.

Ayon sa PNP, wala silang namo-monitor na banta sa pagsisimula ng pasukan.

Nagtayo rin ang PNP ng assistance desk malapit sa mga paaralan sa buong bansa. 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *