Thursday, April 27, 2017
Home > International News > Toxic chemical accident sa Thailand, 8 katao patay

Toxic chemical accident sa Thailand, 8 katao patay

 

toxicInaalam na ngayon ng mga otoridad ang sanhi ng toxic chemical accident sa headquarters ng Siam Commercial Bank (SCB) sa Thailand na ikinamatay ng 8 katao at 7 sugatan.

Sa inisyal na ombestigasyon ng mga Thai authority, napag-alaman na nasalukuyang nagtatrabaho ang mga contractors sa fire fighting systems ng gusali ng maganap ang insidente.

Kinabibilangan sa mga nasawi ang mga contractors at security guard.

Samantala, mariin namang itinanggi ng executive committee chairman ng Thai bank na si Vichit Suraphongchai na may naganap na pagsabog.

Sa ngayon, nasa pagamutan na ang mga sugatan sa naturang insidente.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *