Tiger Woods nakapasa sa breathalyzer test ng pulisya


Natagpuang tulog sa kanyang sasakyan si Tiger Woods nang maaresto kahapon at makasuhan ng pagmamaneho nang lasing.

Sa report ng pulisya, ginising si Woods ng nakakita sa kanyang pulis.

Magulo umano ang isip nito at mabagal ang pagsasalita.

Pero pasado naman ang golfer sa breathalyzer test na nangangahulugang wala nga itong ininom na alak.

Una nang sinabi ni Woods na dahil sa epekto ng kanyang mga ininom na gamot ang pagkakaaresto niya.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *