Saturday, April 29, 2017
Home > National News > Testimonya ni Lascañas tungkol sa DDS, di-dapat balewalain — CHR

Testimonya ni Lascañas tungkol sa DDS, di-dapat balewalain — CHR


Masyadong ‘compelling’ at detalyado ang testimonya ni dating Police Officer Arturo Lascañas tungkol sa Davao Death Squad (DDS) para balewalain lamang.

Kaya naman umano pormal nang binuksang muli ng Commission on Human Rights (CHR) ang imbestigasyon kaugnay ng DDS.

Ayon kay CHR Commissioner Roberto Eugenio Cadiz, mahirap na balewalain ang testimonya ni Lascañas kahit pa kuwestiyonable ang motibo nito sa pagdadawit kay Pangulong Rodrigo Duterte sa death squad.

Balak naman umanong gamiting ebidensiya ng CHR ang mga buto ng tao sa Laud Quarry sa Ma-a, Davao City, kung saan ay pinaniniwalaang pinatay at itinapon ang mga biktima ng DDS.

Sinabi rin ng CHR na ang positibong pagtukoy ni Lascañas sa dumping site ng DDS ay sapat na batayan para ipagpatuloy nila ang imbestigasyon dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *