Tennis star Maria Sharapova, balik sa US tennis tournaments

Sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang kanyang mahigit isang taon na drug suspension, muling nakita ng publiko ang tennis star na si Maria Sharapova sa world team tennis match sa US.

Naglaro si Sharapova para sa Orange County breakers laban sa defending champion na San Diego Aviators.

Noong nakaraang Abril ay nagbalik sa paglalaro ng tennis si Sharapova.

Nakapaglaro na rin ito sa tatlong tournament sa Europe.

Matatandaang noong 2016 Australian Open ay nagpositibo sa ‘meldonium’ si Sharapova na naging dahilan ng kanyang suspensyon.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *