war on drugs – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: war on drugs

PNP chief umapelang maging ‘fair and balance’ sa pagbabalita tungkol sa war on drugs

PNP chief umapelang maging ‘fair and balance’ sa pagbabalita tungkol sa war on drugs

National News
Sinegundahan ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa ang panawagan ni Department of Tourism (DOT) Secretary Wanda Teo na bawas-bawasan ang mga ulat tungkol sa extrajudicial killings (EJKs) at mga napapatay sa war on drugs. Ito ay dahil nahihirapan daw ang DOT na i-promote ang bansa dahil sa mga pahayag at media reports tungkol sa drug-related killings. Umapela naman si Dela Rosa ng ‘fairness’ at ‘balanced reporting’ tungkol sa anti-drug operations. Hiling din ng hepe ng pulisya na huwag masyadong ipakita na masama ang war on drugs, kundi dapat ay maging balanse lamang.
Robredo hindi hihingi ng paumanhin dahil sa video message tungkol sa war on drugs

Robredo hindi hihingi ng paumanhin dahil sa video message tungkol sa war on drugs

National News
Hindi hihingi ng paumanhin si Vice President Leni Robredo dahil sa mga isiniwalat nitong umano’y iregularidad sa war on drugs ng pamahalaan. Ayon sa tagapagsalita ni Robredo na si Georgina Hernandez, wala silang nakikitang rason para humingi ng tawad ang bise presidente. Aniya, ang ginawa ng pangalawang pangulo ay bahagi ng mandato nito na ilabas ang katotohanan at maging boses ng mga pamilyang nawawalan ng lakas ng loob. Iginiit din ni Hernandez na ang video message ni Robredo sa UN Commission on Narcotics Drugs ay batay sa mga kuwento ng mga maralitang biktima ng drug war na dumulog sa kanilang opisina.
CHR, tutol sa pagbabalik ng PNP sa war on drugs

CHR, tutol sa pagbabalik ng PNP sa war on drugs

National News
Tutol ang Commission on Human Rights (CHR) sa muling paglulunsad ng Philippine National Police (PNP) ng anti-drug operations. Sa isang pahayag, sinabi ng CHR na wala pang resulta sa internal cleansing ng PNP at wala pa ring makabuluhang imbestigasyon ang isinagawa sa mga kaso ng extrajudicial killings (EJKs). Hinimok naman ng CHR ang gobyerno na i-hold muna ang “Oplan Double Barrel Reloaded” hangga’t wala pang nangyayaring reporma sa loob ng PNP at seryosong imbestigasyon sa mga naganap na pagpatay. Una nang inanunsiyo ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na muling sasabak ang PNP sa war on drugs.
PNP, hindi umano maipapangako na “less bloody” ang paghawak muli sa war on drugs

PNP, hindi umano maipapangako na “less bloody” ang paghawak muli sa war on drugs

National News
Hindi raw maipapangako ni Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa na magiging “less bloody” ang kampanya kontra droga kapag sumali na muli rito ang PNP. Kung si Dela Rosa aniya ang masusunod, hangga’t maaari ay ayaw niyang may dumanak na dugo sa war on drugs. Pero imposible aniya ito dahil hindi isusuko ng mga drug lord ang kanilang interes. Sinabi naman ni Dela Rosa na hindi sila agad-agad sasabak sa giyera kontra droga nang hindi sila handa. Isang bagong anti-drug enforcement group ang bubuin ng pnp para sa kampanya kontra droga.
Women’s right group, tutol na ibalik sa PNP ang kampanya vs droga

Women’s right group, tutol na ibalik sa PNP ang kampanya vs droga

National News
Tutol ang isang women’s right group sa muling paghawak ng Philippine National Police sa anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan. Ayon kay World March of Women Executive Director Jean Enriquez, ikinababahala nila ang rekomendasyong ibalik ang war on drugs at pamunuan itong muli ng PNP. Ipinunto ni Enriquez ang malawakang korapsyon sa loob ng pnp at ang pagkakasangkot ng kanilang high-ranking officers sa pagdukot at pagpatay sa Korean businessman. Iginiit naman ni dating Commission on Human Rights Chairperson Etta Rosales na walang batayan para ibalik ang madugong giyera kontra droga. Sinabi rin ni Rosales na hindi dapat pagkatiwalaan ang PNP na tinawag na korap mismo ng Malakanyang.
PNP, bubuo ng bagong anti-drug group

PNP, bubuo ng bagong anti-drug group

National News
Bubuo ng bagong drug enforcement group ang Philippine National Police (PNP) oras na bumalik na ang mga ito sa kampanya kontra-droga. Ani PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, bagong mga opisyal ang mangunguna sa bubuuing bagong grupo. Hindi naman sinabi ni Dela Rosa kung kailan sila babalik sa war on drugs ng administrasyon para na rin aniya masorpresa ang kanilang mga kalaban. Matatandaang ipinauubaya na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP ang desisyon kung kailan babalik sa kampanya kontra-droga.
Duterte, umalma sa pagle-“lecture” ng dating Colombian President sa kanyang war on drugs

Duterte, umalma sa pagle-“lecture” ng dating Colombian President sa kanyang war on drugs

National News
Umalma si Pangulong Rodrigo Duterte sa aniya’y pagle-lecture sa kanya ni dating Colombian President Cesar Gaviria sa laban ng bansa kontra droga. Tinawag ni Duterte si Gaviria na “idiot.” Paliwanag pa nito, iba ang shabu sa ecstasy na problema ng Colombia. Sa opinion article ni Gaviria ay sinabi nitong hindi magtatagumpay ang war on drugs ni Duterte kung hindi ito magbabago ng istratehiya.
Report ng Amnesty Int’l, handang imbestigahan

Report ng Amnesty Int’l, handang imbestigahan

National News
Handa ang Senado na magsagawa ng imbestigasyon sa report ng Amnesty International. Pero ayon kay Senador Ping Lacson, ito ay kung bibigyan sila ng Amnesty International ng kumpletong detalye ng kanilang report. Nakukulangan si Lacson sa detalye ng report ng Amnesty International bagamat aminado ang Senador na may kredibilidad ito. Nasa Amnesty International aniya ang papel para patunayan ang mga akusasyon nito. Sa report ng Amnesty International, may partisipasyon umano ang pulisya sa mga drug-related killings at nababayaran din ang mga ito ng mula walo hanggang labinlimang libong piso.
Amnesty Int’l; War on drugs, kontra sa mahihirap

Amnesty Int’l; War on drugs, kontra sa mahihirap

National News
Kinastigo ng Amnesty International ang war on drugs ng administrasyong Duterte. Naglabas ito ng report na nagsasabing ang kampanya kontra droga ay kontra rin sa mga mahihirap. Tila may sistema rin umano ang mga drug-related killings na posibleng makonsidera bilang crimes against humanity. Apela ni Amnesty International Philippines Board of Trustees Member Sr. Maria Cordero kay Pangulong Rodrigo Duterte, ‘wag resolbahin ng panibagong krimen ang isang krimen. Ang report ng Amnesty International ay batay sa imbestigasyon ng tatlumpu’t tatlong drug-related killings sa mga nakaraang buwan.
VP Leni Robredo, pangungunahan ang mga tutol sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte

VP Leni Robredo, pangungunahan ang mga tutol sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte

National News
Determinado raw si Vice President Leni Robredo na pangunahan ang oposisyon kontra sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte. Naniniwala aniya si Robredo na marami ang tutol sa naturang polisiya ng gobyerno at nais niyang pagkaisahan ang mga magkakaibang tinig kaugnay dito. Ayon pa sa ikalawang Pangulo, mayroong chilling effect sa publiko ang giyera kontra droga at nakakatakot ang ginawang pagtatanggol ni Duterte sa mga pulis na sangkot droga. Nilinaw naman ni Robredo na pabor siya sa sinasabi ng Pangulo na masyadong malawak ang problema sa droga at kailangang aksyunan ito ng gobyerno. Ngunit, mas lumalala lamang aniya ng problema kung nireresolba ito sa madugong pamamaraaan.