Vice President Leni Robredo – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: Vice President Leni Robredo

Alvarez ‘di na maghahain ng impeachment complaint vs Robredo

Alvarez ‘di na maghahain ng impeachment complaint vs Robredo

National News
Hindi na si House Speaker Pantaleon Alvarez ang mismong maghahain ng impeachment complaint kay Vice President Leni Robredo. Sa panayam ng DZAR Sonshine Radio, ipinunto ni Alvarez na marami na ang gustong maghain ng impeachment complaint kay Robredo kaya’t hindi na kailangang siya pa mismo ang magsampa ng reklamo laban sa bise presidente. Una nang sinabi ni Alvarez na itutuloy niya ang nilulutong impeachment complaint kay Robredo sa kabila ng pagpapatigil sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte. Nag-ugat sa ipinadalang video message ni Robredo sa United Nations (UN) ang plano ni Alvarez na ipa-impeach ang pangalawang pangulo.
Duterte, Robredo magkatabi sa PNPA graduation

Duterte, Robredo magkatabi sa PNPA graduation

National News
Muling nagkita ngayong araw sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo sa graduation ceremony ng Philippine National Police Academy (PNPA). Dumalo ang dalawa sa pagtatapos ng PNPA Masidlak Class of 2017. Sa seremonya ay magkatabi ng upuan ang dalawa taliwas sa unang plano na pagigitnaan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Ismael Sueno ang dalawa. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkasama sina Duterte at Robredo simula nang ihain ang impeachment complaint sa pangulo at lumutang ang planong pagpapa-impeach din sa bise presidente. Sandaan at dalawampu’t dalawa ang lalaki samantalang dalawampu’t dalawang babae naman ang magsisipagtapos. Walumpu’t walo sa mga ito ay mapupunta sa Philippine National Police (PNP), 31 sa ...
Tatlong tao na nais magpatalsik sa kanya sa puwesto tinukoy ni Duterte

Tatlong tao na nais magpatalsik sa kanya sa puwesto tinukoy ni Duterte

National News
Pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tatlong taong nagnanais umano na patalsikin siya sa puwesto. Aniya, ang mga ito ay sina Senador Antonio Trillanes IV, Senadora Leila De Lima at Vice President Leni Robredo. Ang tatlong nabanggit ay mga vocal critique sa war on drugs at iba pang programa ng pamahalaan. Magugunitang inabsuwelto ni Duterte si Leni sa umano’y planong destabilisasyon pero sa nakalipas na ilang araw ay inakusahan niya itong nag-aapura na palitan siya sa puwesto.
Duterte, Robredo inaasahang magkikita sa graduation rites ng PNPA ngayong araw

Duterte, Robredo inaasahang magkikita sa graduation rites ng PNPA ngayong araw

National News
Inaasahang muling magkikita si Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo sa graduation ceremony ng Philippine National Police Academy (PNPA) ngayong araw. Ito ay kung pagbabasehan ang iskedyul ng dalawang mataas na opisyal. Parehong nakatakdang dumalo sina Duterte at Robredo sa pagtatapos ng 144 PNPA Masidlak Class of 2017 sa Gen. Cicero Campos Grandstand sa Silang, Cavite. Magsisilbing guest of honor ang pangulo at maggagawad ng Presidential Kampilan sa topnotcher ng PNPA Masidlak Class of 2007 samantalang igagawad naman ni Robredo ang Vice Presidential Kampilan sa may ikalawang may pinakamataas na grado. Huling nagkita ang dalawang mataas na opisyal noong graduation ceremony ng Philippine Military Academy (PMA).
Duterte naghuhugas-kamay lang sa planong i-impeach si Robredo

Duterte naghuhugas-kamay lang sa planong i-impeach si Robredo

National News
Hindi kinagat ni Senador Antonio Trillanes IV ang pagrenda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga kaalyado na nagbabalak na maghain ng impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo. Ayon kay Trillanes, naghuhugas-kamay lamang si Duterte sa isyu. Sinabi pa ng senador na kung hindi naman susundin si Duterte ng kanyang mga alagad ay paniguradong niloloko lamang nito ang taumbayan. Una na rito, nanindigan si House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi niya iaatras ang planong paghahain ng impeachment complaint laban kay Robredo sa kabila ng apela ni Duterte.
Pamilya Marcos di-pabor sa impeachment complaint laban kay Robredo

Pamilya Marcos di-pabor sa impeachment complaint laban kay Robredo

National News
Hindi pabor ang Pamilya Marcos sa impeachment complaint na isinampa laban kay Vice President Leni Robredo. Ito ang inihayag ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos kasunod ng paghahain ng impeachment complaint ni Atty. Oliver Lozano na kilalang Marcos loyalist. Ayon kay Marcos, mas gugustuhin pa raw nila lalo na ng kanyang kapatid na si dating Senador Bongbong Marcos na ipursigi ang election protest laban kay Robredo. Binigyang-diin ng gobernadora na wala ring kinalaman ang kanyang pamilya sa pagsasampa ng naturang impeachment complaint. Aniya, si Lozano umano ay may sariling hakbang at wala silang control dito.
Alvarez nanindigan sa planong impeachment complaint kay Robredo

Alvarez nanindigan sa planong impeachment complaint kay Robredo

National News
Ayaw magpaawat ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa nilulutong impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo kahit pa sinabi na ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag na itong ituloy. Sa pahayag ni Alvarez, sinabi nitong bagama’t iginagalang niya ang pahayag ni Duterte ay Kamara pa rin ang may eksklusibong hurisdiksiyon para magproseso ng isang impeachment complaint alinsunod sa Konstitusyon. Aniya, masusi pa rin niyang pinag-aaralan ang magiging reklamo laban kay Robredo dahil hindi lang numero ang usapin, kundi dapat ay may mabigat din itong batayan. Tahasan ding tinawag ni Alvarez si Robredo na ‘makapal ang mukha.’ Paliwanag ni Alvarez, ito ang kauna-unahang pagkakataong may opisyal ng gobyerno na nagpadala ng video clip sa United Nations (UN) para si...
Robredo nanawagan ng hinahon sa gitna ng mga kontrobersiyang kinahaharap

Robredo nanawagan ng hinahon sa gitna ng mga kontrobersiyang kinahaharap

National News
Nanawagan ng hinahon si Vice President Leni Robredo sa kanyang mga tagasuporta sa gitna ng kinahaharap niyang kontrobersiya. Aniya, kailangan din niya ng lakas ng loob sa situwasyon niya ngayon. Sinabi ito ni Robredo sa harap ng mga tagasuportang nagtungo sa kanyang tanggapan. Nanindigan din si Robredo sa kanyang video message na ipinalabas sa isang side event sa United Nations (UN). Iginiit niyang katotohanan lamang ang kanyang sinabi. Dagdag pa ng bise presidente, ang pagkontra niya sa mga polisiya ng gobyerno ay hindi nangangahulugang gusto niyang agawin ang posisyon sa pagkapangulo. Sinabi naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya magtatakang sangkot si Robredo sa inihaing impeachment complaint laban sa kanya dahil apurado umano ang bise presidente na magin...
Impeachment vs Robredo ipinatitigil ni Duterte

Impeachment vs Robredo ipinatitigil ni Duterte

National News
Ipinatitigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tangkang pagpapa-impeach kay Vice President Leni Robredo. Sa kanyang arrival speech mula sa official visit sa Thailand at Myanmar, ipinunto ni Duterte na halal na opisyal si Robredo. Hindi rin aniya sapat ang rason na kinukondena siya ni Robredo para ma-impeach ito. Ginagawa aniya ito ni Robredo bilang bahagi ng freedom of speech na kasama sa demokrasya. Masisira aniya ang eleksiyon na katatapos lamang kung itutuloy ang impeachment kay Robredo. Matatandaang ang kaalyado ni Duterte na si House Speaker Pantaleon Alvarez ang nagsabing pinag-aaralan niya ang paghahain ng impeachment complaint kay Robredo.
Pangulong Duterte balik-bansa na

Pangulong Duterte balik-bansa na

National News
Balik-bansa na ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa official visit nito sa bansang Myanmar at Thailand. Mag-aalas-tres kaninang madaling-araw nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal ang sinakyang eroplano ng pangulo. Ipinagmalaki ng pangulo sa kanyang arrival speech na naging mabunga ang naging biyahe niya sa dalawang bansa. Napagkasunduan aniya ng Pilipinas at Myanmar ang mas pagpapalakas ng kalakalan at ekonomiya. Kabilang naman sa mga natalakay ng pangulo sa kanyang speech ang usapin sa kampanya ng pamahalaan kontra-droga, muling pagbanat sa European Union (EU), usapin sa West Philippine Sea (WPS) at ang impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo. Mainit namang sinalubong ang pangulo ng ilang miyembro ng kanyang Gabin...