Vice Ganda – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: Vice Ganda

Liza Soberano pinayagan na ng talent manager na makipag-boyfriend

Liza Soberano pinayagan na ng talent manager na makipag-boyfriend

Showbiz
Payag na raw si Ogie Diaz na magkaroon ng boyfriend si Liza Soberano. Si Ogie ang talent manager ni Liza. Ayon kay Ogie, hindi naman totoo ang sinabi niya noon kay Liza na kasama sa kontrata nito na bawal itong magkanobyo. Natupad na rin naman aniya ang pangako ni Liza sa sarili na bago pumasok sa relasyon ay magpupursigi muna itong magkaroon ng sariling bahay at kotse. Kaya hindi raw magagalit si Ogie kung sasagutin na ni Liza si Enrique Gil. Biro pa ng manager, mas ikagagalit niya kung magkaka-girlfriend si Liza. Samantala, ipinagtanggol ni Vice Ganda si Piolo Pascual sa viral video nito at ng anak na si Iñigo na nakunang nag-kiss sa lips. Ayon kay Vice, wala siyang nakikitang mali at malisya sa paghalik ng magulang sa kanyang anak. Problema na rin aniya ng i...
Lorna Tolentino sarado na sa pag-ibig

Lorna Tolentino sarado na sa pag-ibig

Showbiz
Sarado na si Grandslam Queen Lorna Tolentino sa bagong pag-ibig. Ayon kay Ms. T, masyado na raw siyang matanda para ma-in love ulit. Say pa ng 55-year-old actress, number one na kailangang i-consider ay ang edad, pangalawa ang kanyang mga anak at pangatlo ang hormonal imbalance na pinagdadaanan samantalang tumatanda. Wala naman daw problema kay Lorna na makipagkaibigan pero hindi na aabot pa sa pakikipag-date. Samantala, itinanggi ng aktor na si Ronnie Alonte na mayroon silang relasyon ng komedyanteng si Vice Ganda. Ayon sa hashtag member, matalik na kaibigan lamang ang turing niya kay Vice. Sinabihan na rin daw ni Ronnie ang kanyang fans na huwag nang bigyan pa ng kulay ang friendship nila ng TV host-comedian.
Vice Ganda at John Loyd Cruz, magsasama sa isang proyekto

Vice Ganda at John Loyd Cruz, magsasama sa isang proyekto

Showbiz
Magsasama sa isang proyekto sina Vice Ganda at John Loyd Cruz. Hindi man dinetalye ni Vice, sinabi nito na pinag-uusapan na nila ni John Loyd ang gagawing proyekto. Ayon kay Vice, pangarap niya talagang makatrabaho sa isang pelikula ang aktor kasama Direk Cathy Garcia. Kwento pa ni Vice, pinanghinaan siya ng loob mula ng mamatay ang nanay-nanayan niyang si Direk Wenn Deramas. Pero, aniya, lalakas ulit ang loob niya kapag nakatrabaho niya ang dalawa. Bukod kay John Loyd, umaasa rin ang commediane-host na matuloy na ang proyekto nila ni Daniel Padilla.
Pelikula nina Vice Ganda at Coco Martin, kumita na ng halos 250 milyong piso sa loob lamang ng limang araw

Pelikula nina Vice Ganda at Coco Martin, kumita na ng halos 250 milyong piso sa loob lamang ng limang araw

Showbiz
Pumalo na sa 246 milyong piso sa loob lamang ng limang araw ang kinita ng pelikula nina Vice Ganda at Coco Martin na the Super Parental Guardians. Labis naman ang galak at pasasalamat ni Vice sa mga tumangkilik sa kanilang pelikula bagama’t hindi ito nakasama sa 2016 Metro Manila Film Festival. Noong nakaraang taon naging box office hit din ang movie nila ni Coco na Beauty and the Bestie na kumita ng mahigit 520 milyong piso.
Bagong pelikula ni Vice Ganda at Coco Martin, pasok sa MMFF

Bagong pelikula ni Vice Ganda at Coco Martin, pasok sa MMFF

Showbiz
Hopeful ngayon si Vice Ganda na mapapasama para sa Metro Manila Film Festival ngayong taon ang bago nilang pelikula ni Coco Martin. Ayon kay Vice, umabot sa deadline of subsmission ng Mmff Executive Committee ang kanilang bagong movie na pinamagatang “Super Parental Guidance” at nasa direksyon ni Binibining Joyce Bernal. Una nang nagsama sa movie na “Beauty And The Bestie” si Vice at Coco na nanguna pa sa box office noong nakaraang taon. Masaya naman daw si Vice sa kinalabasan ng pelikula at ibang-iba rin daw ang pagkakagawa dito ni Bernal