United Nations – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: United Nations

Alvarez ‘di na maghahain ng impeachment complaint vs Robredo

Alvarez ‘di na maghahain ng impeachment complaint vs Robredo

National News
Hindi na si House Speaker Pantaleon Alvarez ang mismong maghahain ng impeachment complaint kay Vice President Leni Robredo. Sa panayam ng DZAR Sonshine Radio, ipinunto ni Alvarez na marami na ang gustong maghain ng impeachment complaint kay Robredo kaya’t hindi na kailangang siya pa mismo ang magsampa ng reklamo laban sa bise presidente. Una nang sinabi ni Alvarez na itutuloy niya ang nilulutong impeachment complaint kay Robredo sa kabila ng pagpapatigil sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte. Nag-ugat sa ipinadalang video message ni Robredo sa United Nations (UN) ang plano ni Alvarez na ipa-impeach ang pangalawang pangulo.
Impeachment complaint laban kay Robredo isasapubliko ngayong araw

Impeachment complaint laban kay Robredo isasapubliko ngayong araw

National News
Isasapubliko ngayong araw ang kopya ng impeachment case na ihahain laban kay Vice President Leni Robredo. Sinabi ni Atty. Trixie Angeles na haharap sa media ang mga maghahain ng complaint bago ito tutuloy sa tanggapan ng secretary general ng House of Representatives. Pangungunahan nina Atty. Oliver Lozano at Mel Chavez ang paghahain ng impeachment complaint. Pangunahing rason daw ng planong pagpapatalsik kay Robredo ang ipinadala nitong video message sa United Nations (UN) kaugnay ng mga kaso ng mga pagpatay sa Pilipinas. Una nang inihayag ng ilang mambabatas na hindi impeachable offense ang ginawa ni Robredo, kaya dadaan muna ito sa pagsusuri ng House Committee on Justice.
UN video message ni Robredo, kailangang iberipika — DFA

UN video message ni Robredo, kailangang iberipika — DFA

National News
Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang kontrobersiyal na video message ni Vice President Leni Robredo ay kailangan pang iberipika. Sa isang statement, sinabi ng DFA na ang ‘side event’ ng United Nations (UN), kung saan ay ipinalabas ang video ay hindi bahagi ng official proceedings ng 60th Session ng UN Commission on Narcotic Drugs. Kailangan pa umanong iberipika ang mga ‘elemento’ sa nasabing statement ni Robredo. Umani ng batikos mula sa mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginawang ito ni Robredo, kung saan ay kanyang tinalakay ang isyu ng extrajudicial killings (EJKs). Bagama’t nirerespeto ng bansa ang kalayaang makapagsalita, sinabi ng DFA na kasabay nito ay dapat na matiyak na tama ang mga impormasyon. Iniimbestigahan na rin ng ...
Impeachment complaint vs Robredo, may merito — Lozano

Impeachment complaint vs Robredo, may merito — Lozano

National News
Itinanggi ni Attorney Oliver Lozano na dahil kay dating Senador Bongbong Marcos kung bakit naghain ang kanyang kampo ng impeachment complaint kay Vice President Leni Robredo. Para kay Lozano, walang ebidensiya si Robredo ng ‘palit-ulo’ scheme na kanyang binanggit sa video message sa United Nations (UN). Maituturing aniyang impeachable offense ang hindi pagsasabi nang totoo ni Robredo sa kampanya kontra-droga. Nanindigan si Lozano na may merito ang kanyang draft impeachment complaint laban kay Robredo na kanyang ipinarerekomenda kay House Speaker Pantaleon Alvarez. Una na ring nagsampa ng impeachment complaint si Lozano laban kina dating Pangulong Gloria Arroyo at Noynoy Aquino.
Video message ni Robredo, hindi impeachable offense — Roque

Video message ni Robredo, hindi impeachable offense — Roque

National News
Dapat ay may gawin si Vice President Leni Robredo bilang kasiguraduhan na wala siyang gagawing hakbang para sa destabilisasyon ng gobyerno. Ayon kay Kabayan Party-list Representative Harry Roque, hindi consistent si Robredo. Dagdag pa ni Roque, mas uminit ngayon ang pagnanais na maalis si Robredo sa puwesto. Pero sinabi rin ni Roque na hindi masasabing impeachable offense ang mga salitang sinabi ni Robredo sa isang video message na ipinadala sa United Nations (UN). Dapat aniya ay mapatunayang ang mga sinabi ni Robredo ay bahagi ng mga hakbang para i-destabilize ang gobyerno. Matatandaang pinag-aaralan ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang paghahain ng impeachment complaint kay Robredo dahil sa umano’y pagiging nasa likod ng paghahain ng hiwalay na impeachment complain...
Planong impeachment complaint ni Alvarez kay Robredo isang uri ng ‘political harassment’

Planong impeachment complaint ni Alvarez kay Robredo isang uri ng ‘political harassment’

National News
Inilarawan ng kampo ni Vice President Leni Robredo bilang ‘political harassment’ ang planong paghahain ni House Speaker Pantaleon Alvarez ng impeachment complaint laban sa pangalawang pangulo. Ayon sa legal counsel ni Robredo na si Barry Gutierrez, nababahala sila na wala pa man ay may prejudgment na agad si Alvarez sa magiging hatol sa nasabing impeachment complaint. Aniya, sa unang pagkakataon ay ngayon lang din magkakaroon ng impeachment na mismong House speaker ang nanguna. Nag-ugat ang balak na impeachment laban kay Roberdo matapos nitong banatan ang giyera kontra-droga ng pamahalaan sa isang video message sa United Nations (UN) Commission on Narcotics Drugs.  
LP senators ipinagtanggol si Robredo

LP senators ipinagtanggol si Robredo

National News
Ipinagtanggol ng mga senador mula sa Liberal Party (LP) si Vice President Leni Robredo sa kontrobersiyal na video message nito sa United Nations (UN) na kumukondena sa extrajudicial killings (EJKs). Ayon sa mga senador, prerogative ni Robredo ang nasabing video message bilang halal na opisyal. Hinimok ng mga senador si Senate President Koko Pimentel na magpokus sa isyu ng mga ‘di pa nareresolbang kaso ng pagpatay, pagtaas ng presyo ng mga bilihin at ang isyu sa Benham Rise.
Callamard, di-payag sa mga kondisyon ni Duterte para imbestigahan ang EJKs sa bansa

Callamard, di-payag sa mga kondisyon ni Duterte para imbestigahan ang EJKs sa bansa

National News
Hindi pa rin pumapayag si United Nations (UN) Special Rapporteur Agnes Callamard sa mga kondisyong ibinigay ng Pangulong Rodrigo Duterte para mag-imbestiga sa umano’y nagaganap na extra judicial killings (EJKs) bunsod ng pinaigting na kampanya sa iligal na droga. Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesman Charles Jose, dahil sa hindi pumapayag si Callamard sa mga kondisyon, posibleng hindi na rin matuloy ang pagbisita nito sa bansa. Kung matatandaan, sinabi ng pangulo na bukas siya sa isasagawang imbestigasyon ni Callamard basta papayag itong magkaharap silang dalawa at makapagtanong ang pangulo. Halimbawa na lang umano ay ang magiging tanong ng pangulo kay Callamard kung ano ang pangalan ng ikalimang biktima sa EJKs at kung saan at kailan pinatay ang biktima. ...
Ballistic missile launch ng NoKor, naging matagumpay daw

Ballistic missile launch ng NoKor, naging matagumpay daw

International News
Kinumpirma ng North Korea (NoKor) na matagumpay ang kanilang naging ballistic missile launch kahapon na pinangunahan ng kanilang leader na si Kim Jong-Un. Ang inilunsad na missile ay inilarawan bilang surface-to-surface medium-to-long-range ballistic missile. Tinawag naman ng Defense Ministry ng South Korea (SoKor) ang ginawa ng NoKor ‘armed provocation’ para tingnan ang magiging aksiyon ni US President Donald Trump. Humiling naman ang Amerika, Japan at SoKor ng urgent meeting sa United Nations (UN) Security Council para pag-usapan ang insidente.
Pabahay sa teritoryo ng Palestine, kinundena

Pabahay sa teritoryo ng Palestine, kinundena

International News
Kinundena ng United Nations ang plano ng Israel na magtayo ng mas maraming Settlement sa okupadong West Bank. Ayon sa isang tagapagsalita ng U.N, ang “Unilateral Actions” ng israel ang nagiging hadlang para sa kapayapaan sa pagitan nito at ng Palestine. Kahapon ay sinabi ni Prime Minister Benjamin Netanyahu na magtatayo sila ng dalawang libo at limandaang kabahayan para sa mga hudyo na nangangailangan ng bahay. Ayon naman sa mga opisyal sa Palestine, nahahadlangan ang usapang pangkapayapaan dahil sa pagkuha ng Israel sa lupang para sa kanila.