Task Force Bravo – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: Task Force Bravo

Pabrika ng tsinelas sa Valenzuela City nasunog

Pabrika ng tsinelas sa Valenzuela City nasunog

Provincial
Tinatayang aabot sa sampung milyong piso ang halaga ng pinsala matapos masunog ang isang pabrika ng tsinelas sa Baseco Street, Balubaran sa Valenzuela City. Mag-aalas dose ng tanghali kahapon nang sumiklab ang sunog sa nasabing pabrika. Ayon sa caretaker ng pabrika, napansin na lamang nila na may kumikislap mula sa isang extension cord. Dahil naman umano sa detergent powder at solvent ay pumutok ang nasabing extension at doon na nagsimula ang apoy na mabilis namang kumalat dahil pawang raw materials ang laman ng gusali. Umabot sa Task Force Bravo ang sunog na naapula matapos ang higit-kumulang apat na oras. Wala pa umanong nakikita ang mga awtoridad na paglabag sa Fire Code ng establisimiyento at iginiit na aksidente lamang ang nangyaring sunog.
2 sunog, sumiklab sa magkahiwalay na lugar sa Malabon at Pasay kagabi, 5 katao sugatan

2 sunog, sumiklab sa magkahiwalay na lugar sa Malabon at Pasay kagabi, 5 katao sugatan

National News
Higit sa dalawandaang mga kabahayan sa Peoples Village Barangay Catmon Malabon ang tinupok ng malakas na sunog kagabi. Umaabot naman sa pitong daang pamilya ang apektado ng nasabing sunog na tinatayang aabot sa dalawang milyong piso ang pinsala. Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog bandang alas singko ng hapon. Mabilis na kumalat ang apoy dahil pawang yari sa light materials ang mga nasunog na kabahayan. Inabot ng halos anim na oras ang sunog na umabot sa pinakamataas na alarma na Task Force Bravo bago ideklarang fire under control pasado alas onse ng gabi. Samantala, lima ang sugatan kasama ang dalawang bombero sa sunog sa isang warehouse ng mga appliances sa Barangay 108 Arnaiz Avenue, Pasay City kagabi. Pasado alas sais kagabi ng magsimula ang sunog s...