Syrian Observatory for Human Rights – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: Syrian Observatory for Human Rights

44 patay sa air strike sa Aleppo

44 patay sa air strike sa Aleppo

International News
Apatnapu’t apat ang patay sa air strike sa isang mosque sa Northern Syria. Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights, nangyari ang air strike sa Aleppo na hawak ngayon ng mga rebelde. Nag-o-operate sa lugar ang mga eroplano ng Russia, Syria at maging ang warplanes ng Amerika. Bagama’t aminadong nagsagawa ng air strike, sinabi ng Amerika na walang natamaang mosque sa lugar. Mga sibilyan ang karamihan sa mga nasawi.
75 porsyento ng Aleppo City, nabawi na mula sa Syrian Rebels

75 porsyento ng Aleppo City, nabawi na mula sa Syrian Rebels

International News
Umaabot na umano sa 75 porysento ng lungsod ng Aleppo ang nababawi ng mga pwersa ng Gobyerno mula sa mga Syrian Rebels. Ayon sa Syrian Observatory For Human Rights (SOHR), unti-unti nang umaatras ang rebelde matapos ang matinding labanan. Nanawagan naman ang Syrian Rebels nang limang araw na Ceasefire para umano sa Evacuation ng mga sibilyan na naiipit sa bakbakan.
22 bata, patay sa Air Strike sa Syria

22 bata, patay sa Air Strike sa Syria

International News
Dalawampu’t dalawang bata at anim na guro ang patay sa air strike na tumama sa isang paaralan sa Syria. Ayon kay UNICEF Director Anthony Lake, maituturing na trahedya at deadliest attack sa isang paaralan ang nangyari. Itinuro naman ng Syrian Observatory for Human Rights ang mga warplanes ng Russia o Syria na nagsagawa ng airstrikes. Anim na magkakasunod na pag-atake ang ginawa sa Hass Village at kabilang sa tinamaan ay ang school complex.
20 katao, patay sa pagsabog ng bomba sa isang kasalan sa Syria

20 katao, patay sa pagsabog ng bomba sa isang kasalan sa Syria

International News
Dalawampung katao ang nasawi matapos masabugan ng bomba sa isang Kurdish wedding sa Hasaka, Syria. Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights, nasa dalawampu’t dalawaang nasawi kabilang ang lalaking ikakasal at marami ang nasa kritikal na kundisyon. Inaalam pa kung explosive device o suicide bomber ang nasa likod ng Inaalam na rin kung anong grupo ang nasa likod ng naturang pag-atake.