Shaw Boulevard – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: Shaw Boulevard

Light trucks bawal na sa EDSA at Shaw Boulevard

Light trucks bawal na sa EDSA at Shaw Boulevard

Metro News
Simula na ngayong araw ang pagpapatupad ng light trucks ban sa EDSA at Shaw Boulevard. Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), bawal nang dumaan sa EDSA tuwing rush hour ang mga truck na may bigat na 4,500 kilograms pababa. Mula alas-sais ngayong umaga hanggang alas-diyes, bawal nang dumaan sa EDSA Southbound ang light trucks. Mula alas-singko ng hapon hanggang alas-diyes ng gabi, bawal namang dumaan sa Northbound ang mga naturang trucks. Nakatakda namang ipatupad ang kaparehong truck ban sa Shaw Boulevard upang mapaluwag ang daloy ng trapiko sa Mandaluyong at Pasig. Sa pagtaya ng MMDA, nasa tatlong libong light trucks ang mababawas sa dumadaan sa EDSA at Shaw Boulevard tuwing rush hour. Epektibo naman ang light truck ban simula Lunes hanggang Sabado...
Dry run ng light truck ban, sinimulan na

Dry run ng light truck ban, sinimulan na

Metro News
Sinimulan na ngayong araw ang dry run sa light truck ban. Ayon sa implementing agency na Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), hindi papayagang dumaan ng EDSA at Shaw Boulevard ang mga truck na may gross capacity na 4,500 kilos mula alas-sais hanggang alas-diyes ng umaga at alas-singko hanggang alas-diyes ng gabi. Magtatagal ang dry run hanggang Marso 18. Sa Marso 20 naman tuluyang ipatutupad ang nasabing ban. Ipatutupad ang light truck ban mula Lunes hanggang Sabado maliban na lamang kung holiday. Magtatagal ito hanggang Hunyo 15.
Dry run ng light truck ban, sisimulan sa Miyerkules

Dry run ng light truck ban, sisimulan sa Miyerkules

Metro News
Sisimulan na ang dry run sa ipatutupad na light truck ban sa Marso akinse hanggang adisiotso. Ayon sa implementing agency na Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), hindi papayagang dumaan ng EDSA at Shaw Boulevard ang mga truck na may gross capacity na 4,500 kilos mula alas-sais hanggang alas-diyes ng umaga at alas-singko hanggang alas-diyes ng gabi. Sa Marso abeinte naman tuluyang ipatutupad ang nasabing ban. Ipatutupad ang light truck ban mula Lunes hanggang Sabado maliban na lamang kung holiday. Magtatagal ito hanggang Hunyo akinse. Nilinaw naman ng MMDA na hindi kasama sa light truck ban ang mga may dala ng perishable goods o madaling masira, mga firetruck at ambulansiya. Papatawan ng dalawang libong piso ang lalabag sa nasabing ban.
MRT, maagang nagkaaberya; limitadong biyahe, ipinatupad

MRT, maagang nagkaaberya; limitadong biyahe, ipinatupad

National News
Maagang nakaranas ng aberya ang operasyon ng Metro Rail Transit ngayong Lunes. Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), alas-6:21 ng umaga nang makaranas ng problemang-teknikal sa pagitan ng Boni Avenue at Shaw Boulevard stations. Agad nagpatupad ng limitadong biyahe ang MRT mula North Avenue Station Hanggang Shaw Boulevard Station at vice versa. Samantala, inihinto ang biyahe mula Shaw Boulevard Station hanggang Taft Station at vice versa. Naibalik sa normal ang operasyon ng MRT makaraan 44 na minuto o alas-7:05 ng umaga.
Expanded number coding scheme, epektibo ngayong araw

Expanded number coding scheme, epektibo ngayong araw

Metro News
Epektibo na ngayong araw ang expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa Metro Manila. Simula alas siyete ng umaga hanggang alas otso ng gabi, bawal na ang mga sasakyang naka-coding sa: EDSA, C5, Recto Avenue, Quirino Avenue, Araneta Avenue, C6, Roxas Boulevard, Taft Avenue, SLEX, Shaw Boulevard, Ortigas Avenue, Magsaysay Boulevard, Aurora Boulevard, Quezon Avenue, Commonwealth Avenue, A. Bonifacio Avenue, Rizal Avenue, Del Pan, Marcos Highway, Mcarthur Highway, Alabang-Zapote Road sa Muntinlupa, Samson Road sa Caloocan, at A. Mabini Street sa Caloocan. Exempted naman sa expanded number coding scheme ang mga ambulansya, fire trucks, police patrol cars, mga military vehicles na may permanent markings, mga sasakyang ginagamit para sa disaster re...
Mga kalsadang sakop ng ‘no window hour’ policy, dinagdagan

Mga kalsadang sakop ng ‘no window hour’ policy, dinagdagan

Metro News
Matapos ang unang araw ng opisyal na pagpapatupad ng no window hour policy, nagkasundo ang mga otoridad na dagdagan pa ang mga kalsadang sakop ng bagong polisiya. Sakop na ng no window hour policy ang lahat ng radial roads at circumferential roads sa Metro Manila – simula Nobyembre a-uno. Kabilang sa circumferential roads ang CM Recto Avenue, Quirino Avenue, Araneta Avenue, EDSA, C.P Garcia Avenue, at Bulacan-Rizal-Manila-Cavite Regional Expressway. Habang ang mga radial roads naman ay ang Roxas Boulevard, Taft Avenue, SLEX, Shaw Boulevard, Ortigas Avenue, Magsaysay/Aurora Boulevard, Quezon/Commonwealth Avenue, A.Bonifacio Avenue, Rizal Avenue, at Del Pan/Marcos Highway/Macarthur Highway. Una na ring pinalawig ang oras ng no window hour mula alas siyete ng umaga hanggang alas otso ...

Pagpapatupad ng yellow lane sa kahabaan ng EDSA, hihigpitan ng Metropolitan Manila Development Authority

Metro News, News Center
Huhulihin na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga pribadong behikulong gumagamit ng yellow lane. Ayon sa MMDA, simula Enero 18, magiging mahigpit na sila sa patakaran ukol dito at titikitan na nila ang mga pribadong motoristang gumagamit ng yellow lane sa kahabaan ng EDSA. Uumpisahan muna ng MMDA ang paghuli mula sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City hanggang Guadalupe, Makati City, Southbound Lane at pagkatapos ay plano na nilang ipatupad ito sa buong kahabaan ng EDSA. Base sa ordinansa, ang yellow lane at linya ng mga pampublikong sasakyan, tulad ng mga bus ay hindi pwedeng gamitin ng mga pribadong sasakyan. Sa monitoring ng mmda, simula Shaw Boulevard hanggang Guadalupe, mabigat ang daloy ng trapiko sa nabanggit na mga lugar tuwing umaga, na isa sa mga d...