Senate President Pro-Tempore Ralph Recto – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: Senate President Pro-Tempore Ralph Recto

Pilipinas ‘katawa-tawa’ dahil sa impeachment complaint laban sa pangulo at pangalawang pangulo

Pilipinas ‘katawa-tawa’ dahil sa impeachment complaint laban sa pangulo at pangalawang pangulo

National News
Magiging ‘laughingstock’ ang Pilipinas kung ang dalawang pinakamataas na lider nito ay parehong mahaharap sa impeachment complaint. Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, kauna-unahang pagkakataon na may impeachment complaint sa pangulo at ikalawang pangulo nang sabay. Naniniwala naman aniya si Recto na hindi basehan ang video message ni Vice President Leni Robredo para maging ground ng betrayal of public trust. Aniya, bahagi ng demokrasya ang pagbatikos sa polisiya ng gobyerno at hindi ito pagtataksil sa tiwala ng publiko. Tumanggi namang magkomento si Recto sa impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi pa aniya niya ito nababasa.