sarado na – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: sarado na

Lorna Tolentino sarado na sa pag-ibig

Lorna Tolentino sarado na sa pag-ibig

Showbiz
Sarado na si Grandslam Queen Lorna Tolentino sa bagong pag-ibig. Ayon kay Ms. T, masyado na raw siyang matanda para ma-in love ulit. Say pa ng 55-year-old actress, number one na kailangang i-consider ay ang edad, pangalawa ang kanyang mga anak at pangatlo ang hormonal imbalance na pinagdadaanan samantalang tumatanda. Wala naman daw problema kay Lorna na makipagkaibigan pero hindi na aabot pa sa pakikipag-date. Samantala, itinanggi ng aktor na si Ronnie Alonte na mayroon silang relasyon ng komedyanteng si Vice Ganda. Ayon sa hashtag member, matalik na kaibigan lamang ang turing niya kay Vice. Sinabihan na rin daw ni Ronnie ang kanyang fans na huwag nang bigyan pa ng kulay ang friendship nila ng TV host-comedian.
Ilang kalsada patungong Manila South Cem., sarado na

Ilang kalsada patungong Manila South Cem., sarado na

Metro News
Sarado na ang ilang kalsada patungo sa Manila South Cemetery sa bahagi ng Makati. Sarado ang Kalayaan Avenue, South Avenue, Vito Cruz at Pililia St. Two-way traffic naman sa Jp Rizal mula Pasong Tirad hanggang Makati Avenue at Kalayaan mula Pasong Tirad hanggang Zapote. One-way traffic naman sa Kalayaan Avenue mula N. Garcia hanggang Makati Avenue at Metropolitan mula South Avenue hanggang N. Garcia. Epektibo ang naturang Road Closures hanggang alas dose ng madaling araw ng Nobyembre 2.