Ronnie Dayan – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: Ronnie Dayan

De Lima, tumangging maghain ng plea sa kasong ‘disobedience to summon’

De Lima, tumangging maghain ng plea sa kasong ‘disobedience to summon’

National News
Personal na dinaluhan ng nakadetineng si Senadora Leila De Lima ang pagbasa ng kanyang sakdal sa Quezon City Metropolitan Trial Court (MTC) Branch 34 sa kasong ‘disobedience to summons.’ Tumanggi si De Lima na maghain ng anumang plea kaya’t ang korte na ang nagpasok ng not guilty plea. Nag-ugat ang reklamo sa pahayag ng dating driver-lover ni De Lima na si Ronnie Dayan na hinimok umano siya ng senadora na magtago at huwag dumalo sa imbestigasyon noon ng Kamara. Ayon sa mga complainant na sina House Speaker Pantaleon Alvarez, Majority Leader Rodolfo Fariñas at House Justice Committee Chair Reynaldo Umali, ‘disrespect’ sa subpoena ng Kamara ang ginawang ito ni De Lima. Ito ang kauna-unahang pagkakataong nakalabas ng kanyang kulungan sa Philippine National Police (P...
De Lima, babasahan ng sakdal sa QC RTC

De Lima, babasahan ng sakdal sa QC RTC

National News
Babasahan ngayong araw ng sakdal si Senadora Leila De Lima sa Quezon City Regional Trial Court (QC RTC). Ang pagbasa ng sakdal ay para sa kasong ‘disobedience to summon’ ng senadora. Nag-ugat ito sa umano’y pagpapayo niya sa dating driver-lover na si Ronnie Dayan na huwag dumalo sa pagdinig ng Kamara kahit pa pina-summon na ito. Mahigpit naman na ang seguridad sa korte para sa inaasahang arraignment ngayong araw.
Dayan, natatakot sa kanyang seguridad matapos maaresto kagabi

Dayan, natatakot sa kanyang seguridad matapos maaresto kagabi

National News
Kahit pa naaresto na kagabi ay natatakot pa rin sa kanyang seguridad ang dating driver-lover ni Senadora Leila De Lima na si Ronnie Dayan. Ani Dayan, kinakabahan at natatakot siya sa posibleng mangyari sa kanya. Emosyunal din si Dayan dahil sa hindi na raw niya masusubaybayan ang mga anak at apo. Si Dayan ay inaresto kagabi sa kanyang bahay sa Urbiztondo, Pangasinan. Kumpiyansa naman si Dayan na mapawawalang-sala siya dahil sa wala naman aniyang katotohanan sa mga ibinibintang sa kanya.
Ronnie Dayan, naaresto na ng Urbiztondo Pangasinan Police

Ronnie Dayan, naaresto na ng Urbiztondo Pangasinan Police

National News
Naaresto na ng Urbiztondo Pangasinan Police si Ronnie Dayan, ang dating driver-bodyguard ni Senador Leila De Lima. Ito ay matapos ipalabas ni Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 Judge Juanita Guerrero ang arrest warrant kina De Lima, Dayan at iba pang mga akusado sa kasong isinampa ng Department of Justice kaugnay sa illegal drug trade sa New Bilibid Prisons. Sa panayam ng DZAR Sonshine Radio, sinabi ni Police Chief Inspector Joshua Maximo, hepe ng Urbiztondo pnp, na kusang sumama sa mga arresting officers si Dayan kagabi. Sinabi ni Maximo na inasahan na umano ni Dayan ang pag-aresto sa kanya. Si Dayan ay pansamantalang nakadetine sa Urbiztondo Police Station bago ito ibayahe patungo sa muntinlupa city kung saan inisyu ang warrant of arrest. Matatandaang si Dayan...
Prosekusyon, humirit na ipagpaliban muna ang pagdinig sa nais ni De Lima na mabasura ang kaso

Prosekusyon, humirit na ipagpaliban muna ang pagdinig sa nais ni De Lima na mabasura ang kaso

National News
Inihirit ng prosekusyong ipagpaliban muna ang pagdinig sa mosyong inihain ni Senadora Leila De Lima para mabasura ang isa sa tatlong kasong may kaugnayan sa droga na isinampa laban sa kanya. Hiniling ng state prosecutors sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 206 na i-reset ang pagdinig dahil sa problema sa schedule. Hawak ng Branch 206 sa ilalim ni Judge Patria Manalastas-de Leon ang kaso laban kay De Lima at mga kapwa akusadong sina Franklin Bucayu, Wilfredo Elli, Jaybee Sebastian, Ronnie Dayan, Joenel Sanchez at Jayson Adrian Dera. Ayon sa prosekusyon, kinakailangan nilang dumalo sa isang legal education seminar sa mga prosecutor na natapat sa mismo ring araw ng pagdinig. Inihirit ng prosekusyon na itakda ang pagdinig sa Marso a-tres sa halip na bukas. Pero bukas ay tulo...
Senador De Lima, binigyan ng sampung araw para magkomento kaugnay sa disbarment case na inihain laban sa kaniya

Senador De Lima, binigyan ng sampung araw para magkomento kaugnay sa disbarment case na inihain laban sa kaniya

National News
Pinagpapaliwanag ng Korte Suprema si Senador Leila De Lima sa loob ng sampung araw kaugnay sa panibagong disbarment case na inihain laban sa kaniya ni Atty. Fernando Perito. Ang disbarment case ay nag-ugat matapos aminin mismo ni De Lima na nagkaroon sila ng relasyon ng kaniyang driver-bodyguard na si Ronnie Dayan. Bukod dito, nauna ng naghain ng disbarment case laban sa senadora ang grupong Volunteer Against Crime and Corruption o VACC at ang mga dating NBI officials na sina Atty. Reynaldo Esmeralda at Ruel Lasala. Ayon sa mga complainant, bagama’t legal na hiwalay si De Lima sa kaniyang asawa, ay kasal naman si Dayan sa asawa nito noong nagkaroon sila ng relasyon. Nabatid na si Perito ang naghain din ng disbarment case laban kay Davao City Mayor Sara Duterte matapos nitong sapaki...
Ika-5 kaso kaugnay sa iligal na droga laban kay Senator De Lima, inihain sa DOJ

Ika-5 kaso kaugnay sa iligal na droga laban kay Senator De Lima, inihain sa DOJ

National News
Inihain na ng National Bureau of Investigation sa Department of Justice ang ikalimang kaso kaugnay sa iligal na droga laban kay Senador Leila De Lima. Bukod kay De Lima, kasama rin sa kinasuhan ang dati nitong driver-bodyguard na si Ronnie Dayan at ang big time drug lord ng Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa. Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang kinakaharap ni De Lima.  
Kerwin Espinosa, pasok na sa Witness Protection Program ng DOJ

Kerwin Espinosa, pasok na sa Witness Protection Program ng DOJ

National News
Isinailalim na sa Witness Protection Program ng Department of Justice ang tinaguriang bigtime drug lord sa Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa. Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre matapos mailipat si Espinosa sa kustodiya ng National Bureau of Investigation mula sa PNP Custodial Center. Si kerwin ay inilagay sa WPP dahil gagawin siyang testigo kaugnay sa isyu na protektor umano ng mga drug syndicates si Senator Leila De Lima. Magugunita, na inamin ni Kerwin sa pagdinig ng Senado na binigyan niya si De Lima ng walong milyong piso bilang campaign fund noong nakaraang eleksyon na ipinadaan sa pamamagitan ng dati nitong driver-bodyguard na si Ronnie Dayan.  
Rep. Harry Roque, iimbestigahan ng sariling partido dahil sa naging takbo ng pagtatanong kay Ronnie Dayan

Rep. Harry Roque, iimbestigahan ng sariling partido dahil sa naging takbo ng pagtatanong kay Ronnie Dayan

National News
Iniimbestigahan ng Kabayan Partylist ang kanilang kinatawan sa kamara na si Attorney Harry Roque. Dahil umano ito sa naging pagtatanong ni Roque kay Ronnie Dayan sa pagdinig ng Kamara na ayon sa partido ay maituturing na dishonourable behavior. Ang imbestigasyon ay pangungunahan ni Kabayan Partylist Spiritual Adviser Pastor Cesar Pabuayon, at mga partylist board members na sina Attorney Eduardo Robles at Pastor Peter Parrocho. Ayon kay Pastor Pabuayon, nakahihiya umano ang ginawang pagtatanong ni Rep. Roque na lumihis na sa tunay na isyu. Dahil sa imbestigasyon, posibleng matanggal bilang kinatawan ng partido si Roque. Nag-abstain naman ang second nominee ng partido na si Congressman Ron Salo pero sinabi nitong dinungisan ni Roque ang reputasyon ng partido.
Kamara, maghahain ng reklamo laban kay De Lima sa Senado at DOJ

Kamara, maghahain ng reklamo laban kay De Lima sa Senado at DOJ

National News
Maghahain na ngayong araw ang kamara ng ethics complaint sa Senado laban kay Senador Leila De Lima. Bukod sa ethics complaint, maghahain din ang Kamara ng reklamo laban kay De Lima sa Department of Justice sa paglabag umano nito sa revised penal code dahil sa pakikialam sa pagdinig ng mababang kapulungan. Si De Lima ay kasalukuyang nasa Amerika at Germany at nangakong babalik. Una nang naghain ng Show Cause Order ang kamara sa Senado para hingiin ang paliwanag ni De Lima sa umano’y pag-uutos nitong magtago muna ang dating driver-lover na si Ronnie Dayan sa gitna ng pag-subpoena rito ng Kamara.