Quirino Highway – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: Quirino Highway

1 patay, 2 kritikal sa aksidente sa Quezon

1 patay, 2 kritikal sa aksidente sa Quezon

Metro News
Patay ang isa katao matapos bumangga ang isang pickup truck sa isang water tanker ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Quirino Highway, San Luis, Guinayangan, Quezon. Dalawa naman ang kritikal na agad isinugod sa pinakamalapit na pagamutan. Ayon sa ulat, nakatulog ang driver ng pickup truck kaya ito sumalpok sa water tanker. Nabatid na nagbakasyon sa Laguna ang mga sakay ng pickup truck at pauwi na sana sa Tagkawayan, Quezon nang maaksidente.
DPWH, magsasagawa ng road reblocking at repair sa QC ngayong weekend

DPWH, magsasagawa ng road reblocking at repair sa QC ngayong weekend

Metro News
Inabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista sa isasagawang road reblocking at road repair ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong weekend. Ayon sa MMDA, magsisimula ang reblocking at repair mamayang alas-onse ng gabi hanggang alas- singko ng umaga sa Lunes, Marso 13. Kabilang sa mga apektadong kalsada ang Southbound lane ng Mindanao Avenue, Commonwealth Avenue at Quirino Highway at ang Westbound ng Congressional Avenue Extension.