Quezon – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: Quezon

1 patay, 2 kritikal sa aksidente sa Quezon

1 patay, 2 kritikal sa aksidente sa Quezon

Metro News
Patay ang isa katao matapos bumangga ang isang pickup truck sa isang water tanker ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Quirino Highway, San Luis, Guinayangan, Quezon. Dalawa naman ang kritikal na agad isinugod sa pinakamalapit na pagamutan. Ayon sa ulat, nakatulog ang driver ng pickup truck kaya ito sumalpok sa water tanker. Nabatid na nagbakasyon sa Laguna ang mga sakay ng pickup truck at pauwi na sana sa Tagkawayan, Quezon nang maaksidente.
Pamilya ng isa sa mga estudyanteng namatay sa Tanay accident, magsasampa ng kaso laban sa Bestlink College

Pamilya ng isa sa mga estudyanteng namatay sa Tanay accident, magsasampa ng kaso laban sa Bestlink College

Provincial
Nakatakdang magsampa ng kaso ang pamilya ng estudyanteng si Lovelyn Sirigan na taga-Isabela, laban sa Bestlink College of the Philippines sa Lunsod ng Quezon. Si Siringan ay isa sa mga nasawi sa aksidente sakay ng Panda Coach Travel and Tours sa Tanay, Rizal. Isasauli rin ng pamilya ang P5,000 ibinigay ng paaralan. Lumakas ang loob ng pamilya na magsampa ng kaso matapos tumawag sa kanila si Atty. Percida Acosta, pinuno ng Public Attorney’s Office (PAO) upang tumulong sa mga pamilya ng mga nasawi sa aksidente.  
Burdeos, Quezon niyanig ng magnitude 3.7 na lindol

Burdeos, Quezon niyanig ng magnitude 3.7 na lindol

Provincial
Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang Burdeos, Quezon. Naitala ang lindol sa 12- kilometro hilaga ng Burdeos, kaninang alas-8:59 ng umaga. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tectonic ang origin ng lindol at may lalim na isang kilometro. Naramdaman ang intensity 2 sa Infanta, Quezon. Wala namang naitalang pinsala o inaasahang aftershocks matapos ang lindol.
Metro Manila at karatig-probinsya, maagang inulan

Metro Manila at karatig-probinsya, maagang inulan

National News
Maagang nakaranas ng pag-ulan ang ilang bahagi ng Metro Manila at mga kalapit na lalawigan ngayong araw. Sa abiso ng PAGASA, alas 8:24 ng umaga kanina nang makaranas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang Taguig, Las Piñas, Muntinlupa at Parañaque. Inulan din ang General Nakar, Quezon, ilang bahagi ng Rizal at Laguna. Ayon sa PAGASA, Northeast Monsoon ang nakakaapekto sa Luzon at Visayas habang tail-end ng cold front ang umiiral sa silangang bahagi ng Mindanao.
15 pasahero, sugatan sa banggaan ng dalawang bus sa Quezon Province

15 pasahero, sugatan sa banggaan ng dalawang bus sa Quezon Province

Metro News
Sugatan ang labinlimang pasahero sa banggaan ng dalawang pampasaherong bus sa Maharlika Highway, Calauag, Quezon. Sangkot sa banggaan ang Pamar bus na biyaheng Bicol at ang Daet Express bus na biyaheng Maynila. Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, inukupa ng Pamar bus ang kabilang linya dahilan para mabangga nito ang paparating na Daet Express bus. Agad naman sinugod sa ospital ang mga sugatan habang kritikal ang driver ng mga bus na sina Gil Delos Reyes ng Daet Express bus at Michael Gardona ng Pamar bus. Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.
18 tripulante ng lumubog na barko sa Batangas, patuloy na hinahanap ng PCG

18 tripulante ng lumubog na barko sa Batangas, patuloy na hinahanap ng PCG

National News
Patuloy ang isinasagawang surface search ng Philippine Coast Guard sa labing walong nawawalang tripulante mula sa lumubog na barko sa Batangas sa kasagsagan ng Bagyong Nina. Nagbawas na ng bilang ng floating assets ang Coast Guard sa lugar na pinaniniwalaang lumubog ang MV Starlite Atlantic sa bahagi ng Maricaban Bay sa Batangas. Ayon kay PCG Spokesperson CMDR Armand Balilo, tanging ang mga aluminum boat ang nagpapatrolya sa bahagi ng karagatan matapos umabot hanggang Quezon ang kanilang search and rescue team. Sa ngayon ay pinag-aaralan ng Coast Guard ang posibilidad na na-trap sa loob ng lumubog na barko ang mga nawawalang tripulante. Magugunita na labing apat ang mga nakaligtas habang isang babaeng tripulante ang nasawi.
NBP, tinanggal na ang “lockdown”; nakatakas na preso patuloy na hinahanap

NBP, tinanggal na ang “lockdown”; nakatakas na preso patuloy na hinahanap

National News
Tinanggal na ng Bureau of Corrections ang “lock-down” sa New Bilibid Prisons matapos tumakas ang isang preso. Ayon kay BuCor Director General Benjamin De Los Santos, pansamantalang ipinatupad ang “lock-down” dahil sa pagtakas ng preso na si Manuel Paril Jr. na tubong Quezon Province. Si Paril ay nakatakas matapos sirain ang access door ng NBP sa ikalawang palapag ng Administration building. Agad namang bumuo ng grupo ang BuCor para mahanap si Paril. Nabatid na matatapos na sana ang sintensya ni paril ngayong buwan ng Disyembre, subalit may nakabinbin pa itong criminal case sa muntinlupa trail court at dalawang kaso ng rape sa Gumaca, Quezon.
Klase sa Cavite, suspendido dahil sa walang tigil na pag-ulan

Klase sa Cavite, suspendido dahil sa walang tigil na pag-ulan

Provincial
Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa Cavite ngayong Martes. Sa abiso ni Cavite Governor Boying Remulla, sinuspinde nito ang klase para na rin sa kaligtasan ng mga estudyante dahil sa magdamag na pag-ulan sa lalawigan. Ayon sa PAGASA, kabilang ang Cavite na nakaranas ng malakas na buhos ng ulan. Habang mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang naranasan sa Metro Manila, Bulacan, Batangas, Quezon at Pampanga dahil sa umiiral na Low Pressure Area o LPA sa bansa.
Dalawang pamangkin ni dating Agriculture Secretary Proceso Alcala, arestado sa buy-bust opertion sa Quezon

Dalawang pamangkin ni dating Agriculture Secretary Proceso Alcala, arestado sa buy-bust opertion sa Quezon

Metro News
Arestado ang dalawang pamangkin ni dating Agriculture Secretary Proceso Alcala at Quezon Representative Vicente Alcala sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga otoridad sa Sariaya, Quezon. Kinilala ang naaresto na si Sahjid Alcala, anak ni Cerilo Alcala na bunsong kapatid nina proceso at vicente. Ayon sa pulisya, isa ang mag-amang cerilo at sahjid sa mga  maimpluwensyang drug personalities sa quezon dahil sa kanilang koneksyon sa pulitika. Samantala, arestado rin ang kapatid ni Sahjid na si Cerolleriz Alcala at apat pa nitong kasamahan na sina Joel Jamilla Lambit, Noel Abutin, Dona May Abastillas at Yumiko Angela Tan. Nakuha sa mga suspek ang 62.3 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit isang daang libong piso, tatlong sasakyan at motorsiklo. Una nang naaresto ang ina ni sa...
Samu’t saring problema, tumambad sa test run ng PNR

Samu’t saring problema, tumambad sa test run ng PNR

National News
Tumambad sa Philippine National Railways o PNR ang iba’t ibang problema, matapos ang isinagawang test run ng PNR na tumagal ng labing pitong oras mula tutuban hanggang bicol dahil sa 40 kilometer per hour lamang ang bilis nito. Sinakyan sa test run ang tren na may 40 years old na donate ng Japan sa Pilipinas na bagama’t may tulo, malamig naman ang aircon nito. Sa Paranaque pa lang ay nagkaroon na ng mechanical trouble ang tren, pero paliwanag ng mga engineer ng PNR, lima naman daw ang makina ng tren. Kabilang sa mga problema ay ang mga bahay na nakasagabal sa gilid ng riles na halos makaladkad na ng tren. Sa Candelaria, Quezon, nagmistulang palengke ang dating istasyon ng tren. Hindi pa rin tuluyang naayos ang mga tulay partikular na sa lugar ng ragay na kailangan pang lumipat s...