Quezon City – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: Quezon City

6 na sasakyan nagkarambola sa QC

6 na sasakyan nagkarambola sa QC

Metro News
Sugatan ang labing-isang pasahero matapos ang karambola ng anim na sasakyan sa Commonwealth Avenue, Tandang Sora, Quezon City.         Sangkot sa karambola ang isang bus, UV Express, van, dump truck at dalawang pampasaherong jeep.         Ayon sa ulat, bumangga ang dump truck sa isang bus matapos umanong mawalan ng preno.         Posible namang maharap ang driver ng truck sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property.
Kadamay rally sa NHA nagkakomosyon

Kadamay rally sa NHA nagkakomosyon

National News
Sinira at sinulatan ng mga miyembro ng grupong Kadamay ang signage ng National Housing Authority (NHA) sa punong tanggapan nito sa Elliptical Road, Quezon City. Isinisigaw ng mga ito sa mga opisyal ng NHA na harapin sila. Makailang beses na sinugod ng mga ito ang gate ng ahensiya at tinangkang makapasok. Nagkaroon din ng komosyon sa gitna ng rally matapos kumprontahin ng ilang nagpoprotesta ang isang lalaking pinaghihinalaang intelligence officer.
30 sugatan sa pagtagilid ng isang pampasaherong bus

30 sugatan sa pagtagilid ng isang pampasaherong bus

Metro News
Sugatan ang aabot sa tatlumpung katao matapos magkarambola ang apat na sasakyan sa kahabaan ng Elliptical Road sa Quezon City. Sangkot sa aksidente ang isang pampasaherong bus, dalawang kotse at isang taxi. Ayon sa ilang nakasaksi, binabagtas ng taxi ang Elliptical Road nang biglang sumulpot ang isang Honda Civic galing sa Quezon Avenue. Nagpreno ang taxi samantalang dumiretso ng takbo ang kotse at bumangga sa likuran at kanang bahagi ng Precious Grace Bus na nasa inner lane. Nagpaikut-ikot umano ang bus at bumangga sa isa pang Honda Civic bago tuluyang tumagilid. Agad namang dinala sa East Avenue Medical Center ang mga nasugatan kabilang na ang driver ng bus na kinilalang si Jonathan Medina.
Attorney Lozano nababahala kay Duterte sa banta ng Magdalo

Attorney Lozano nababahala kay Duterte sa banta ng Magdalo

National News
Nababahala si Atty. Oliver Lozano, na kilalang Marcos loyalist, kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa bantang pagpatay umano rito ng ilang miyembro ng Magdalo. Sa isang pulong-balitaan sa Quezon City, sinabi ni Lozano na posible umanong pumatay sa pangulo ang ilang miyembro ng Magdalo. Subalit biglang kumambiyo si Lozano at sinabing ito’y kanyang opinyon lamang nang tanungin kung may ebidensiya siyang pinanghahawakan kaugnay ng kanyang pahayag. Samantala, nakatakda ring maghain si Lozano ng kanyang impeachment complaint laban kay Vice Presidente Leni Robredo.
Pagawaan ng ataul sa QC, nasunog

Pagawaan ng ataul sa QC, nasunog

Metro News
Nasunog ang isang commercial building sa Tandang Sora Extension, Barangay Sangandaan sa Quezon City. Napag-alamang pagawaan ng isang ataul ang tinupok ng apoy na pagmamay-ari ng Everest Casket Manufacturing. Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang apoy sa paint area ng pabrika. Wala namang napaulat na nasawi o nasugatan sa insidente matapos mabilis na nakalabas ng gusali ang mga empleyado. Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.
AFP nanindigang wala silang namomonitor na Maute group sa MM

AFP nanindigang wala silang namomonitor na Maute group sa MM

National News
Nanindigan ang Armed Forces Of The Philippines (AFP) na wala silang namomonitor na mga miyembro ng Maute terror group na nakapag-penetrate sa Metro Manila (MM). Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) Chief Col. Edgard Arevalo, walang report sa kanila ang kanilang intelligence community ukol dito. Kaugnay nito, pinayuhan ng AFP ang publiko na manatiling mapagmasid matapos mahuli ng Philippine National Police (PNP) ang isang miyembro ng Maute terror group sa Barangay Culiat, Quezon City. Sinabi ni Arevalo na bagaman wala silang namonitor na nakarating na rito sa Metro Manila ang paghahasik ng terorismo ng Maute terror group, hindi ibig sabihing magpapabaya na ang mga awtoridad. Nirerespeto aniya nila ang basehan ng Pambansang Pulisya sa pagsasabing posibleng unti-unti nang ...
Miyembro ng Maute arestado sa QC

Miyembro ng Maute arestado sa QC

Metro News
Arestado ang isang miyembro ng Maute group sa Salam Compound, Barangay Culiat, Quezon City. Kinilala ang suspek na si Nasip Sarip alyas “Nasip Ibrahim” na ikalimang suspek sa tangkang pagbobomba sa US Embassy sa Maynila noong Nobyembre 2016. Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde, si Sarip ang driver ng sasakyang ginamit ng mga Maute na nagplano ng pambobomba. Iprinisinta naman ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa ang suspek sa publiko at ang nakumpiskang mga baril at droga.
1 patay, 1 sugatan sa banggaan sa QC

1 patay, 1 sugatan sa banggaan sa QC

Metro News
Patay ang isa katao matapos ang banggaan ng dalawang dump trucks sa Payatas Road, Quezon City. Kinilala ang nasawi na si Bernardino Candido, isang jumper boy. Samantala, isa naman ang napaulat na nasugatan sa insidente na isinugod sa pinakamalapit na ospital. Ayon sa driver ng isang dump truck, nakaparada lamang ang kanyang sasakyan nang banggain ito ng isang truck.
Kilu-kilong kontaminadong karne ng baboy nakumpiska sa QC

Kilu-kilong kontaminadong karne ng baboy nakumpiska sa QC

Metro News
Aabot sa pitumpu hanggang walumpung kilong kontaminadong karne ng baboy ang nakumpiska ng Quezon City Veterinary Office mula sa dalawang bahay sa Barangay Sto. Domingo, Quezon City. Nakatanggap ng sumbong ang mga awtoridad na may ilang residente sa lugar na iligal na ginagawang katayan ng baboy ang kanilang mga bahay. Nakuha sa bahay ng isang Juanita Caraig ang kilu-kilo ng kontamidong karne. Walang naipakitang meat inspection certificate o anumang permit si Caraig sa mga awtoridad. Pinapayagan lamang ang pagkatay ng baboy sa mga awtorisadong slaughterhouse at kailangan ding may meat inspector kapag gagawin ito.