qc – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: qc

6 na sasakyan nagkarambola sa QC

6 na sasakyan nagkarambola sa QC

Metro News
Sugatan ang labing-isang pasahero matapos ang karambola ng anim na sasakyan sa Commonwealth Avenue, Tandang Sora, Quezon City.         Sangkot sa karambola ang isang bus, UV Express, van, dump truck at dalawang pampasaherong jeep.         Ayon sa ulat, bumangga ang dump truck sa isang bus matapos umanong mawalan ng preno.         Posible namang maharap ang driver ng truck sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property.
Pampasaherong bus, tumagilid sa Elliptical Road sa QC; ilang pasahero, sugatan

Pampasaherong bus, tumagilid sa Elliptical Road sa QC; ilang pasahero, sugatan

Metro News
Tumagilid ang isang pampasaherong bus sa bahagi ng Elliptical Road sa Lunsod Quezon matapos itong banggain ng isang kotse ngayong umaga. Ayon sa drayber ng bus, papagilid na siya papasok ng East Avenue nang may bigla aniyang sumalpok sa kanyang tagiliran dahilan para tumagilid ang minamaneho niyang bus. Bakas naman sa sumalpok na kotse ang lakas ng pagkakabangga nito sa bus dahil nawasak ang harapang bahagi nito. Sugatan naman ang ilang pasahero ng bus dahil sa insidente. Sa ngayon, nagdudulot na nang mabigat na daloy ng trapiko sa Elliptical Road ang naturang insidente.
Kilu-kilong kontaminadong karne ng baboy nakumpiska sa QC

Kilu-kilong kontaminadong karne ng baboy nakumpiska sa QC

Metro News
Aabot sa pitumpu hanggang walumpung kilong kontaminadong karne ng baboy ang nakumpiska ng Quezon City Veterinary Office mula sa dalawang bahay sa Barangay Sto. Domingo, Quezon City. Nakatanggap ng sumbong ang mga awtoridad na may ilang residente sa lugar na iligal na ginagawang katayan ng baboy ang kanilang mga bahay. Nakuha sa bahay ng isang Juanita Caraig ang kilu-kilo ng kontamidong karne. Walang naipakitang meat inspection certificate o anumang permit si Caraig sa mga awtoridad. Pinapayagan lamang ang pagkatay ng baboy sa mga awtorisadong slaughterhouse at kailangan ding may meat inspector kapag gagawin ito.
Suspek sa pagpatay sa 1 motorcycle rider sa QC posibleng, nakaalis na sa Boracay

Suspek sa pagpatay sa 1 motorcycle rider sa QC posibleng, nakaalis na sa Boracay

National News
Nakaalis na sa Boracay si Fredison Atienza, ang suspek sa pagpatay sa nakaaway na motorcycle rider sa Quezon City (QC). Ayon sa pulisya, noong Sabado pa nakaalis sa Boracay si Atienza pero hindi pa matukoy kung ano ang ginamit nitong sasakyan para makatakas. Ayon kay Inspector Jess Baylon ng Boracay Tourist Action, posibleng sumakay ng pribadong sea vessel si Atienza pero isa rin sa tinitingnang anggulo ay sumakay ito ng eroplano gamit ang ibang pangalan. Batay kasi sa impormasyong nakuha ng Police Aviation Security Group (PASG), walang Atienza na dumaan sa Kalibo International Airport. Nahirapan ang mga awtoridad na mahuli si Atienza dahil sa hindi umano pakikipagtulungan ng resort owners sa kanilang man hunt operation.
Suspek sa pagpatay sa miyembro ng Masculados, arestado sa QC

Suspek sa pagpatay sa miyembro ng Masculados, arestado sa QC

Metro News
Naaresto ng mga awtoridad ang suspek sa pagpatay kay Marcelo “Ozu” Ong, miyembro ng Masculados sa Quezon City (QC). Kinilala ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek na si Kristopher Ernie na naaresto sa kanyang bahay sa may North Fairview Subdivision. Si Ernie ay may warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 70. Bukod kay Ernie arestado rin ang dalawa niyang kasamahan na sina Joselito Pangilinan at Reedlani Eclarenal samantalang nakatakas ang isa pang kasama nilang si Dennis Franco. Si Ong at kasama nitong seaman na si John Agbayani ay napatay ng mga suspek sa isang carjacking incident sa Angono, Rizal noong Agosto 2015. Narekober kay Ernie ang isang caliber .45 pistol, isang fan knife, anim na sachets ng hinihinalang shabu, mga drug parap...
15 barangay sa QC, mawawalan ng tubig –Maynilad

15 barangay sa QC, mawawalan ng tubig –Maynilad

Metro News
Mawawalan ng tubig ang labinlimang barangay sa Quezon City dahil sa aayusing malaking tubo ng Maynilad sa Tandang Sora. Sa abiso ng Maynilad, mawawalan ng tubig ang barangay: Apolonio Samson, Baesa, Bahay Toro, Bungad, Damayan, Del Monte, Katipunan, Mariblo, Paltok, Paraiso, San Antonio, Sangandaan, Talipapa, Tandang Sora, at Veterans Village. Magsisimula ang Water Service Interruption alas otso ng gabi sa Lunes hanggang alas kwatro ng hapon ng Miyerkules. Magtatagal ng apatnapu’t tatlong oras ang pagsasaayos ng malaking tubo. Inabisuhan na rin ng Maynilad ang mga maaapektuhang lugar na mag-ipon na ng tubig. May labing-apat na water tankers ang iikot sa lugar para sa suplay ng tubig.