Portland Trail Blazers – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: Portland Trail Blazers

Lamarcus Aldridge balik na sa NBA matapos ang heart problem

Lamarcus Aldridge balik na sa NBA matapos ang heart problem

Sports
Balik na sa basketball court si San Antonio Spurs forward Lamarcus Aldridge matapos ang minor heart issue. Sumailalim si Aldridge sa mga test at eksaminasyon at konsultasyon dahil sa kanyang minor heart arrhythmia. Noong wala si Aldridge ay tinalo ng Spurs ang Golden State Warriors, Atlanta Hawks at Portland Trail Blazers. Hawak ng Spurs ang 52-14 win-loss record na second-best record sa National Basketball Association (NBA).

Lakers, pinutol ang 7-game winning streak ng Warriors

Sports
Ginulat ng Los Angeles Lakers ang Golden State Warriors matapos ang kanilang 112-95 victory ngayong araw. Dahil dito, tumaas na sa 6 ang bilang ng talo ng Warriors. Pinangunahan ni Jordan Clarkson sa kanyang 25 points ang Lakers. Nagposte naman ng 18 puntos si Steph Curry para sa Warriors. Dahil sa pagkatalo, nawakasan na rin ang 7-game winning streak ng Warriors na siyang pinaka-una magmula sa 32-point blowout defeat kontra Portland Trail Blazers noong Pebrero 20.