PNP – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: PNP

UN official pinayuhan ang DOT na idulog sa gobyerno at PNP ang isyu sa EJKs

UN official pinayuhan ang DOT na idulog sa gobyerno at PNP ang isyu sa EJKs

National News
Hinikayat ni UN Special Rapporteur on Extra-Judicial Executions Agnes Callamard si Department of Tourism (DOT) Secretary Wanda Tulfo-Teo na idulog sa gobyerno ng Pilipinas at Philippine National Police (PNP) ang isyu ng extra judicial killings (EJKs). Ito ang reaksiyon ni Callamard sa pahayag ni Teo na nakapipinsala sa turismo ng Pilipinas ang naging pagbubunyag ni Vice President Leni Robredo sa UN at media reports kaugnay ng mga patayan sa bansa. Una nang sinabi ni Teo na nahihirapan siyang ibenta ang turismo ng Pilipinas kapag nauungkat ang EJKs. Para kay Callamard, mas mahalaga pa rin ang buhay ng tao kaysa sa turismo kaya umaasa ito na mawawala na ang pinag-uugatan ng mga walang pakundangang pagpatay. Magugunitang ilang ulit na ring nagbitaw ng mga pagpuna laban kay Dut...
Bato sa PNPA graduates: Huwag mamili ng assignment

Bato sa PNPA graduates: Huwag mamili ng assignment

National News
Pinayuhan ni Philippine National Police (PNP) Director General Ronald Dela Rosa ang top 10 ng Philippine National Police Academy (PNPA) Masidlak Class of 2017 na huwag mamili ng mga assignment. Ayon kay Dela Rosa, dapat ay huwag makiusap sa mga pulitiko o matataas na opisyal ang mga bagong graduate na pulis para malipat ng destino o makakuha ng mataas na puwesto. Payo pa ni Dela Rosa, huwag maging materialistic at pasilaw sa pera na posibleng maging dahilan ng pagkasira nila sa serbisyo. Nakatakda namang pumasok ang anim sa mga ito sa PNP, dalawa sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) samantalang dalawa naman sa Bureau of Fire Protection (BFP). Gaganapin ang commencement exercise ng PNPA sa Marso 24 sa Camp Mariano Castañeda sa Silang, Cavite.
AFP nanindigang wala silang namomonitor na Maute group sa MM

AFP nanindigang wala silang namomonitor na Maute group sa MM

National News
Nanindigan ang Armed Forces Of The Philippines (AFP) na wala silang namomonitor na mga miyembro ng Maute terror group na nakapag-penetrate sa Metro Manila (MM). Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) Chief Col. Edgard Arevalo, walang report sa kanila ang kanilang intelligence community ukol dito. Kaugnay nito, pinayuhan ng AFP ang publiko na manatiling mapagmasid matapos mahuli ng Philippine National Police (PNP) ang isang miyembro ng Maute terror group sa Barangay Culiat, Quezon City. Sinabi ni Arevalo na bagaman wala silang namonitor na nakarating na rito sa Metro Manila ang paghahasik ng terorismo ng Maute terror group, hindi ibig sabihing magpapabaya na ang mga awtoridad. Nirerespeto aniya nila ang basehan ng Pambansang Pulisya sa pagsasabing posibleng unti-unti nang ...
PNP target na maging cybercrime free ang cyberspace ng bansa

PNP target na maging cybercrime free ang cyberspace ng bansa

National News
Target ng Philippine National Police (PNP) na maging crime free ang cyberspace ng Pilipinas. Ito ang ipinahayag ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa sa pagdiriwang ng ikaapat na National Summit on Cybercrime. Sinabi ni Dela Rosa na satisfied siya sa performance ng PNP-Anti-Cybercrime Group (ACG) sa pangunguna ni Sr. Supt. Marni Marcos Jr., acting director ng PNP-ACG. Ang PNP-ACG ay nasa ikaapat na taon na rin simula nang itatag ito ng Pambansang Pulisya. Ayon kay Dela Rosa, ang specialized unit ng ACG ay ang lumaban ngayon sa cyber criminals. Ani Dela Rosa, sinasamantala umano ng cyber criminals ang cyberspace sa paggamit ng modernong teknolohiya tulad ng Internet para sa kanilang iligal na aktibidad tulad ng kidnapping at illegal drugs.
De Lima umaasang makalalaya agad para makaboto kontra-death penalty

De Lima umaasang makalalaya agad para makaboto kontra-death penalty

National News
Umaasa si Senadora Leila De Lima na maaga siyang makalalaya sa kulungan para makalahok sa botohan ng Senado sa Death Penalty Bill. Gustung-gusto raw ng senadora na makadalo ng Senate deliberations kapag nag-resume na ang sesyon ng Senado para makaboto sa nasabing panukala. Isa aniyang absolute at unqualified ‘no’ ang kanyang boto sa death penalty na aniya ay mali at hindi katanggap-tanggap saanmang anggulo tingnan. Kasalukuyang nakadetine si De Lima sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center dahil sa kasong may kinalaman sa droga.
Mga sangkot sa pagkamatay ni Espinosa hawak na ng CIDG

Mga sangkot sa pagkamatay ni Espinosa hawak na ng CIDG

National News
Hawak na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8 sina Superintendent Marvin Marcos at labinsiyam na iba pang sangkot sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa. Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa, matapos na ilabas ng korte ang arrest warrant laban sa mga suspek ay agad itong isinilbi ng mga awtoridad. Hinihintay na lamang ni Dela Rosa ang pinal na resulta ng imbestigasyon at rekomendasyon ng PNP-Internal Affairs Service sa kasong administratibo ng dalawampung suspek.
Lacson umapela kay Robredo na itama ang iniulat sa UN tungkol sa EJKs

Lacson umapela kay Robredo na itama ang iniulat sa UN tungkol sa EJKs

National News
Ipinatatama ni Senador Panfilo Lacson kay Vice President Leni Robredo ang ulat nito sa United Nations Commission on Narcotics Drugs tungkol sa bilang ng umano’y extrajudicial killings (EJKs) sa bansa. Sa social media, pinuna ni Lacson ang iniulat ni Robredo sa UN na nasa pitong libo ang naging biktima ng summary execution. Ayon kay Lacson, hindi man lang isinama ni Robredo sa nasabing report ang tatlumpu’t walong casualties sa panig ng pamahalaan. Wala naman umanong ibang agenda si Lacson maliban sa fairness batay sa facts na para na rin aniya sa 39 na PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) personnel na nasawi sa kasagsagan ng anti-drug operations at ng nasa mahigit walumpu’t anim na nasugatan samantalang nasa serbisyo. Naniniwala naman ang senador na maaaring g...
Bilang ng napatay sa ‘Oplan Double Barrel Reloaded’ umakyat na sa 34

Bilang ng napatay sa ‘Oplan Double Barrel Reloaded’ umakyat na sa 34

National News
Umakyat na sa tatlumpu’t apat ang bilang ng napatay sa implementasyon ng “Oplan Double Barrel Reloaded” ng Philippine National Police (PNP). Sa ulat ng PNP, as of 6:00 am ng Marso 19 ay 34 na drug suspects ang nasawi sa iba’t ibang police operations mula nang ilunsad ang double barrel reloaded noong Marso 6. Nasa 81, 603 bahay naman ang nabisita sa “Oplan Tokhang” ng PNP. Sumuko naman sa mga awtoridad ang 7,833 drug users at pushers samantalang 2,132 drug suspects naman ang naaresto sa mga operasyon. Wala namang pulis na namatay sa kasagsagan ng anti-drug operations. Magugunitang ipinangako ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na hindi na gaanong magiging madugo ang double barrel reloaded kumpara sa nauna nang sinuspinding “Oplan Tokhang” ng PNP...
SolGen Calida handang tumulong sa pag-impeach kay Robredo

SolGen Calida handang tumulong sa pag-impeach kay Robredo

National News
Nakahanda si Solicitor General Jose Calida na tumulong sa plano ni House Speaker Pantaleon Alvarez na magsampa ng impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo. Sinabi ni Calida na handa ang kanyang opisina na magkaloob ng legal services sa oras na ituloy ni Alvarez ang binabalak. Lumutang ang impeachment laban kay Robredo kasunod ng video report nito sa United Nations Commission on Narcotics Drugs tungkol sa mga iregularidad sa war on drugs ng administrasyon. Dito isiniwalat ni Robredo ang umano’y ‘palit-ulo’ scheme ng Philippine National Police (PNP). Ayon kay Calida, treasonous act ang ginawa ni Robredo na paninira sa Pilipinas at mga opisyal ng bansa sa international community. Dahil dito ay kabilang na rin umano si Robredo sa nagpapakana ng desta...
Miyembro ng kidnap-for-ransom, arestado sa Bicol

Miyembro ng kidnap-for-ransom, arestado sa Bicol

National News
Iprinisinta ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa ang limang miyembro ng kidnap-for-ransom group na suspek sa pagkidnap sa isang negosyante sa Camarines Sur (CamSur). Naaresto ang mga suspek matapos ang isinagawang anti-kidnapping operation ng PNP sa Bicol Region. Iniharap din sa media ang negosyanteng si Francis Maulion matapos masagip mula sa grupong dinukot noon pang Nobyembre 2016 sa Ragay, CamSur. Narekober sa mga suspek ang nasa 1.2 milyong pisong halaga ng ransom money at ilang matataas na kalibre ng armas. Patuloy naman ang pagtugis ng mga awtoridad sa lider ng grupo at iba pang miyembro ng sindikato.