PNP Custodial Center – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: PNP Custodial Center

De Lima umaasang makalalaya agad para makaboto kontra-death penalty

De Lima umaasang makalalaya agad para makaboto kontra-death penalty

National News
Umaasa si Senadora Leila De Lima na maaga siyang makalalaya sa kulungan para makalahok sa botohan ng Senado sa Death Penalty Bill. Gustung-gusto raw ng senadora na makadalo ng Senate deliberations kapag nag-resume na ang sesyon ng Senado para makaboto sa nasabing panukala. Isa aniyang absolute at unqualified ‘no’ ang kanyang boto sa death penalty na aniya ay mali at hindi katanggap-tanggap saanmang anggulo tingnan. Kasalukuyang nakadetine si De Lima sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center dahil sa kasong may kinalaman sa droga.
Noynoy, binisita si De Lima sa PNP custodial center

Noynoy, binisita si De Lima sa PNP custodial center

National News
Binisita ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang nakadetineng kaalyadong si Senadora Leila De Lima sa Philippine National Police (PNP) custodial center. Noong Martes ay nagpahayag ng intensiyong bumisita kay De Lima si Aquino para tingnan ang kondisyon nito. Marami rin aniya silang pag-uusapan ng senadora. Nagsilbi bilang Department of Justice (DOJ) Secretary si De Lima sa ilalim ng Administrasyong Aquino. Si De Lima ay nadetine sa PNP custodial center dahil sa umano’y partisipasyon nito sa transaksiyon ng droga sa New Bilibid Prison (NBP).
CHR, nababahala sa kaligtasan ni Sen. De lima sa loob ng PNP Custodial Center

CHR, nababahala sa kaligtasan ni Sen. De lima sa loob ng PNP Custodial Center

National News
Nababahala ang Commission on Human Rights sa kaligtasan ni Senador Leila de Lima sa loob ng PNP Custodial Center sa Camp Crame. Ayon kay CHR Commissioner Karen Dumpit, si De Lima lamang ang babae sa dalawampu’t anim na bilanggo na nakapiit sa nasabing kulungan. Ilan rin aniya sa mga nakadetine rito ay inimbestigahan ng senadora noong CHR Chair pa at Justice Secretary si De Lima. Hinimok naman ni Dumpit ang gobyeno na tiyakin ang kaligtasan ng senadora habang nakakulong sa Camp Crame. Ipinakulong si De Lima dahil sa umano’y kinalaman nito sa illegal drug trade sa loob ng bilibid.
PNP custodial center, balik-normal na ang operasyon

PNP custodial center, balik-normal na ang operasyon

National News
Balik-normal na ang operasyon ngayon ng Philippine National Police (PNP) custodial center sa Campo Crame, matapos ikulong doon si Senadora Leila De Lima. Sa ngayon ay iilang pulis na lamang ang nagbabantay subalit nananatili pa ring mahigpit ang pinaiiral na seguridad. Katunayan, maging ang mga kilalang personalidad na bumibisita kay De Lima ay kinakailangan pang kumuha muna ng clearance sa PNP.
PNP Chief, inalok na kay Senadora Leila De Lima ang PNP Custodial Center sakaling ikulong ito

PNP Chief, inalok na kay Senadora Leila De Lima ang PNP Custodial Center sakaling ikulong ito

National News
Inalok ni Philippine National Police (PNP)Chief Director Ronald Dela Rosa kay Senadora Leila De Lima ang PNP Custodial Center sakaling matuloy ang pag-aresto at makulong ang senadora. Magugunitang si De Lima ay nahaharap sa tatlong kaso ng paglabag sa Dangerous Drug Act matapos na ito ay masangkot sa kalakalan ng iligal na droga sa New Bilibid Prison (NBP). Sinabi ni Dela Rosa na ang PNP Custodial Center sa Campo Crame ang pinakaligtas na kulungan sa bansa. Sa nasabing kulungan din nakapiit ang dalawang dating senador na sina Bong Revilla, Jr. at Jinggoy Estrada na parehong may kasong plunder dahil sa PDAF scam noong secretary pa si De Lima ng Department of Justice (DOJ).
Dating Senador Bong Revilla, pinayagang makadalaw sa kanyang ama

Dating Senador Bong Revilla, pinayagang makadalaw sa kanyang ama

National News
Pinagbigyan ng Sandiganbayan ang hirit ni dating Senador Bong Revilla na pansamantalang makalabas ng PNP Custodial Center sa Camp Crame. Ito ay para makadalaw sa kanyang ama na si dating Senador Ramon Revilla Sr. Na sasailalim sa operasyon St. Luke’s Hospital sa Bonifacio Global City (BGC). Nakatakdang sumailalim ang matandang revilla sa ‘transcatheter aortic valve replacement’ ngayong umaga. Sa urgent motion na inihain ni Revilla, sinabi nitong partikular na hiniling ng kanyang ama na makasama siya bago ito maoperahan. Pinayagan naman ng Sandiganbayan ang hiling ni Revilla dahil sa humanitarian considerations. Maaari namang makadalaw si Revilla sa kanyang ama simula alas-siyete hanggang alas-onse ngayong umaga at alas-kuwatro hanggang alas-otso ng gabi bukas. Ang matandang R...
Kerwin Espinosa, pasok na sa Witness Protection Program ng DOJ

Kerwin Espinosa, pasok na sa Witness Protection Program ng DOJ

National News
Isinailalim na sa Witness Protection Program ng Department of Justice ang tinaguriang bigtime drug lord sa Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa. Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre matapos mailipat si Espinosa sa kustodiya ng National Bureau of Investigation mula sa PNP Custodial Center. Si kerwin ay inilagay sa WPP dahil gagawin siyang testigo kaugnay sa isyu na protektor umano ng mga drug syndicates si Senator Leila De Lima. Magugunita, na inamin ni Kerwin sa pagdinig ng Senado na binigyan niya si De Lima ng walong milyong piso bilang campaign fund noong nakaraang eleksyon na ipinadaan sa pamamagitan ng dati nitong driver-bodyguard na si Ronnie Dayan.  
Kerwin Espinosa, darating na bukas sa bansa

Kerwin Espinosa, darating na bukas sa bansa

National News
Bukas ay darating na sa bansa si Kerwin Espinosa, ang umano’y drug lord sa Buong Eastern Visayas. Si Kerwin ang anak ng napatay na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, Sr. Kahapon, sinabi ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa, inaasahang lalapag sa bansa ang eroplano ni Kerwin mula Abu Dhabi bandang alas dos hanggang alas tres ng madaling araw. Magsisilbing escort ni Espinosa si Chief Supt. Albert Ferro ng PNP Anti-Illegal Drugs Group at iba pang miyembro ng AIDG. Mula paliparan, dadalhin muna si Kerwin sa AIDG Headquarters sa Camp Crame at idedetine sa PNP Custodial Center.  
Kerwin Espinosa, darating na sa Biyernes

Kerwin Espinosa, darating na sa Biyernes

National News
Sa Biyernes ng umaga ay posibleng nakabalik na ng bansa ang umano’y drug lord na si Kerwin Espinosa. Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, darating sa bansa si Espinosa dakong alas dos hanggang alas tres ng umaga. Susunduin si Espinosa sa Abu Dhabi, United Arab Emirates ng mga operatiba ng PNP. Dadalhin ito sa headquarters ng PNP – Anti-illegal Drugs Group at pagkatapos ay idedetine sa PNP Custodial Center. Si Espinosa ay nahuli sa Abu Dhabi noong Oktubre sa tulong umano ng isang OFW.
Kerwin Espinosa, sa Huwebes na posibleng makabalik ng bansa

Kerwin Espinosa, sa Huwebes na posibleng makabalik ng bansa

National News
Sa Huwebes ay posibleng makabalik na ng bansa si Kerwin Espinosa mula sa Abu Dhabi. Tiniyak ni Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa na walang mangyayari kay Espinosa at ligtas ito rito sa bansa. Oras na makalapag sa airport, idedetine si espinosa sa PNP Custodial Center. Si Kerwin Espinosa ay anak ng nasawing si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa. Naaresto si Kerwin sa Abu Dhabi noong isang buwan.