PhiVolcs – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: PhiVolcs

Cebu nilindol kaninang madaling-araw

Cebu nilindol kaninang madaling-araw

Provincial
Niyanig ng magkasunod na lindol ang Cebu kaninang madaling-araw. Sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), unang naitala ang magnitude 3.4 na lindol sa Asturias, Cebu na may lalim na limang kilometro bandang alas-3:41. Makalipas ang ilang minuto, sunod namang naramdaman ang magnitude 4.8 na lindol sa Balamban, Cebu na may lalim na dalawampu’t limang kilometro. Naramdaman ang intensity 3 sa Cebu City samantalang intensity 2 naman sa Lapu-Lapu City at Mandaue City. Pawang tectonic ang origin ng magkasunod na lindol. Wala namang naiulat na napinsala o nasaktan dahil sa magkasunod na pagyanig.
Sarangani, niyanig ng magnitude 3.8 na lindol

Sarangani, niyanig ng magnitude 3.8 na lindol

Provincial
Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental. Naitala ang lindol sa 268 kilometro Timog-Silangan ng Sarangani, kaninang alas-8:03 ng umaga. Ayon Sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 91 kilometro. Wala namang naitalang pinsala o inaasahang aftershocks matapos ang lindol.
Surigao Del Norte, muling niyanig ng 3 magkakasunod na lindol

Surigao Del Norte, muling niyanig ng 3 magkakasunod na lindol

Provincial
Muling niyanig ng tatlong magkakasunod na lindol ang Surigao Del Norte kahapon. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS)-Surigao, tumama ang lindol sa Bayan ng Burgos, Surigao Del Norte. Nilinaw ng PHIVOLCS na ang naturang mga pagyanig ay hindi aftershocks sa magnitude 6.7 na lindol na tumama sa Siyudad ng Surigao noong Pebrero a-diyes. Ito ay dahil ibang fault diumano ang gumalaw, kung ihahambing sa fault na gumalaw sa malakas na lindol na yumanig sa siyudad, na ikinasawi nang halos 10 katao. Wala pa namang naiulat na pinsala sa sunud-sunod na mga pagyanig.
34,000, posibleng mamatay kapag tumama ang ‘The Big One’ sa Metro Manila ayon sa PHIVOLCS

34,000, posibleng mamatay kapag tumama ang ‘The Big One’ sa Metro Manila ayon sa PHIVOLCS

Metro News
Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa mga residente ng Metro Manila sa posibleng pagtama ng “The Big One” o mahigit sa magnitude 7 na lindol. Ayon sa PHIVOLCS, mahigit sa 34,000 katao ang posibleng mamatay sa pagtama ng malakas na lindol sa National Capital Region (NCR). Sinabi ni PHIVOLCS Director Renato Solidum na karamihan daw kasi sa mga gusali sa Metro Manila ay gawa lamang ng mga karpintero at mason at hindi dumaan sa mga ekspertong inhinyero. Inihayag din ng PHIVOLCS na 48,000 naman daw ang posibleng masawi sa mga karatig na lalawigan kabilang na ang Rizal, Bulacan, Cavite, Laguna at Pampanga na dinadaanan ng fault system. Dagdag pa ni Solidum, maaari sana itong maiwasan kung sinunod lang ang building code bago itayo ang isang...
Naitalang aftershocks sa Surigao del Norte, umabot na sa halos 200

Naitalang aftershocks sa Surigao del Norte, umabot na sa halos 200

Provincial
Umabot na sa halos 200 ang naitalang aftershocks sa Surigao del Norte matapos ang pagtama ng magnitude 6.7 na lindol noong isang linggo. Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nasa kabuuang 181 aftershocks na ang naitala sa pagitan ng magnitude 2.0 hanggang 4.9. Pinayuhan naman ng PHIVOLCS ang evacuees na tiyaking ligtas ang bahay bago umuwi dahil mararamdaman pa rin ang aftershocks sa susunod na mga araw.
Nasugbu, Batangas, niyanig ng magnitude 3.7 na lindol

Nasugbu, Batangas, niyanig ng magnitude 3.7 na lindol

Provincial
Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang Nasugbu, Batangas. Naitala ang lindol sa 25 kilometro Timog ng Nasugbu, kaninang alas-4:54 ng umaga. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 92 kilometro. Unang naitala ng PHIVOLCS ang magnitude 3.8 na lindol pero ibinaba makaraan ang ilang minuto. Wala namang naitalang pinsala o inaasahang aftershocks matapos ang lindol.
Papua New Guinea niyanig ng magnitude 8 na Lindol

Papua New Guinea niyanig ng magnitude 8 na Lindol

International News
Niyanig ng magnitude 8.0 na lindol ang Papua New Guinea. Ayon sa United States Geological Survey, naramdaman ang pagyanig 47 kilometro sa kanluran ng arawa sa Bougainville Island. Nagbabala naman ang Pacific Tsunami Warning Center ng posibleng magkaroon ng “Widespread Hazardous Tsunami Waves”. Ayon naman sa PHIVOLCS, posible umanong magkaroon ng local tsunamis. Pero, nilinaw ng PHIVOLCS na walang tsunami threat sa Pilipinas bunsod ng malakas na lindol.
Nadi, Fiji Island, niyanig ng magnitude 7.2 na lindol

Nadi, Fiji Island, niyanig ng magnitude 7.2 na lindol

National News
Niyanig ng magnitude 7.2 na lindol ang Nadi, Fiji Island. Ayon sa U.S Geological Survey, naitala ang lindol 221 kilometro silangan-kanluran ng Nadi at may lalim ito na 15.2 kilometro. Wala namang tsunami warning na inilabas ang Pacific Tsunami Warning Center pero nagkaroon ng magnitude 5.8 na aftershock sa Nadi. Nilinaw naman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS na walang tsunami threat sa Pilipinas kasunod ng lindol sa Nadi.