Philippine Basketball Association – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: Philippine Basketball Association

Alaska nilampaso ang Blackwater Elite sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup

Alaska nilampaso ang Blackwater Elite sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup

Sports
Nasungkit ng Alaska Aces ang ikalawang sunod na panalo sa Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup matapos ilampaso ang Blackwater Elite sa iskor na 109-95. Nagpasiklab ulit ng kanyang double-double performance si Cory Jefferson na kumamada ng 28 puntos at 15 rebounds. Umabot sa 21 puntos ang kalamangan ng Aces sa third quarter bago mapababa sa pito ng Elite pagpasok ng huling quarter. Nakatulong din sa panalo ng Aces ang pagkaka-foul out ni Elite import Greg Smith pitong minuto bago matapos ang game.
Yap nakuha ang unang ‘Player of the Week’ title sa 2017 PBA Commissioner’s Cup

Yap nakuha ang unang ‘Player of the Week’ title sa 2017 PBA Commissioner’s Cup

Sports
Itinanghal na Philippine Basketball Association (PBA) “Player of the Week” si James Yap matapos na dalhin sa back-to-back victories ang defending champion na Rain or Shine Elasto Painters sa kabubukas pa lamang na 2017 Commissioner’s Cup. Bumida ang two-time “PBA Most Valuable Player” sa dalawang laro ng Elasto Painters kontra-NLEX at Mahindra. Sa pagsisimula ng midseason conference, nakapagtala si Yap ng average na 19.0 points at 3.0 rebounds at dinaig ang young backcourt ng MERALCO Bolts na si Base Amer at Chris Newsome. Susunod namang makasasagupa ng Elasto ang Blackwater Elite sa Linggo.
Rain or Shine panalo kontra Mahindra Floodbuster

Rain or Shine panalo kontra Mahindra Floodbuster

Sports
Panalo ang Rain or Shine Elasto Painters kontra sa Mahindra Floodbuster sa nagpapatuloy na 2017 Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup. Hawak pa ng Painters ang kalamangan sa huling walong minuto hanggang makahabol ang Mahindra at madala sa overtime ang laro. Nagwakas sa iskor na 99-95 pabor sa Painters ang laban. Bumida sa laro si Shawn Taggart na kumamada ng 29 na puntos, sampung rebounds at apat na assists. Nagbigay rin ng tig-12 puntos sina James Yap at Beau Belga samantalang sampung puntos naman ang iniambag ni Jeff Chan.
Gilas magsasagawa ng 3-day training para sa SEABA

Gilas magsasagawa ng 3-day training para sa SEABA

Sports
Magsasagawa ng tatlong araw na pagsasanay ang Gilas Pilipinas bilang paghahanda sa SEABA championship na gaganapin sa bansa sa Mayo a-dose hanggang a-disiotso ng taong kasalukuyan. Ayon kay head coach Chot Reyes, isasagawa ang training camp simula Marso katorse hanggang a-disisais. Ito ay para hindi raw maapektuhan ng pagbubukas ng Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup sa Marso 17. Sinabi pa ni Reyes na ang team ay binubuo ng dalawampu’t limang local players kasama na ang labindalawang Gilas cadets at si naturalized player Andray Blatche.
Tim Cone, pipiliting manalo sa Game 4 kontra-Beermen

Tim Cone, pipiliting manalo sa Game 4 kontra-Beermen

Sports
Desidido si Barangay Ginebra head coach Tim Cone na maipanalo ang Game 4 ng best-of-seven finals ng Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup kontra sa San Miguel Beermen. Ayon kay Cone, ayaw na niyang hintayin pang matambakan sila ng Beermen makaraang matalo sila ng koponan sa Game 3 sa iskor na 99-88. Aminado si Cone na napagod ang kanyang players sa huling laban dahil sa sobrang depensa. Kailangang maipanalo ng Gin Kings ang Game 4 para maitabla nila ang serye.
Gin Kings, humirit ng Game 7 sa PBA Philippine Cup semifinals series

Gin Kings, humirit ng Game 7 sa PBA Philippine Cup semifinals series

Sports
Maghaharap sa Game 7 ang Ginebra Gin Kings at Star Hotshots sa nagpapatuloy na Philippine Basketball Association (PBA)Philippine Cup semifinals series. Ito ay matapos na talunin ng Kings angStar sa Game 6 sa iskor na 91-67. Naging daan sa panalo ng Kings ang 14 points at tatlong rebounds ni Joe Devance sa pagdating pa lang ng third quarter. Gaganapin sa Martes sa Mall of Asia Arena ang do-or-die game. Kung sino naman ang mananalo sa dalawang koponan ay haharap kung sino ang mananalo sa San Miguel Beermen at TNT KaTropa.