Pangulong Rodrigo Duterte – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: Pangulong Rodrigo Duterte

Duterte, Robredo magkatabi sa PNPA graduation

Duterte, Robredo magkatabi sa PNPA graduation

National News
Muling nagkita ngayong araw sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo sa graduation ceremony ng Philippine National Police Academy (PNPA). Dumalo ang dalawa sa pagtatapos ng PNPA Masidlak Class of 2017. Sa seremonya ay magkatabi ng upuan ang dalawa taliwas sa unang plano na pagigitnaan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Ismael Sueno ang dalawa. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkasama sina Duterte at Robredo simula nang ihain ang impeachment complaint sa pangulo at lumutang ang planong pagpapa-impeach din sa bise presidente. Sandaan at dalawampu’t dalawa ang lalaki samantalang dalawampu’t dalawang babae naman ang magsisipagtapos. Walumpu’t walo sa mga ito ay mapupunta sa Philippine National Police (PNP), 31 sa ...
Barangay elections, dapat ipagpaliban hanggang 2019 — Brillantes

Barangay elections, dapat ipagpaliban hanggang 2019 — Brillantes

National News
Kongreso ang dapat himukin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa hirit nitong ipagpaliban ang barangay elections ngayong taon. Ito ang ipinunto ni dating Commission on Elections (COMELEC) Chairman Sixto Brillantes. Sa panayam ng DZAR Sonshine Radio, sinabi ni Brillantes na kung siya ang tatanungin ay dapat na ipagliban din ang barangay elections hanggang sa 2019 mid-term elections. Panukala ni Brillantes, kung ipagpapaliban ang eleksiyon sa 2019 ay idiretso na ito hanggang Oktubre 2022. Pabor naman si brillantes na ibigay muna kay Duterte ang kapangyarihang magtalaga ng barangay officials alinsunod na rin sa bubuuing batas ng Kongreso.
Postponement ng barangay elections suportado ni Alvarez

Postponement ng barangay elections suportado ni Alvarez

National News
Suportado ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang barangay elections. Ani Alvarez, napaka-valid ng rason ni Duterte na talamak na ang droga sa barangay level kaya’t dapat ipagpaliban ang eleksiyon. Dagdag pa ni Alvarez, mayorya ng mga opisyal ng barangay ay sangkot sa droga. Matatandaang sinabi ni Duterte na gusto niyang i-appoint na lamang ang mga opisyal ng barangay.
Duterte, Robredo inaasahang magkikita sa graduation rites ng PNPA ngayong araw

Duterte, Robredo inaasahang magkikita sa graduation rites ng PNPA ngayong araw

National News
Inaasahang muling magkikita si Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo sa graduation ceremony ng Philippine National Police Academy (PNPA) ngayong araw. Ito ay kung pagbabasehan ang iskedyul ng dalawang mataas na opisyal. Parehong nakatakdang dumalo sina Duterte at Robredo sa pagtatapos ng 144 PNPA Masidlak Class of 2017 sa Gen. Cicero Campos Grandstand sa Silang, Cavite. Magsisilbing guest of honor ang pangulo at maggagawad ng Presidential Kampilan sa topnotcher ng PNPA Masidlak Class of 2007 samantalang igagawad naman ni Robredo ang Vice Presidential Kampilan sa may ikalawang may pinakamataas na grado. Huling nagkita ang dalawang mataas na opisyal noong graduation ceremony ng Philippine Military Academy (PMA).
Duterte tiwalang kaya siyang protektahan ng bagong PSG commander

Duterte tiwalang kaya siyang protektahan ng bagong PSG commander

National News
Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na marami siyang naging kaaway mula nang maupo siya sa puwesto. Ginawa ng pangulo ang pahayag nang pangunahan niya ang change of command ng Presidential Security Group (PSG). Ayon kay Duterte, may mga taong hindi natutuwa sa mga repormang ipinatutupad ng administrasyon. Sinabi naman ng pangulo na paniguradong magiging abala ang bagong PSG commander na si Colonel Lope Dagoy dahil sa dami ng kanyang naging kaaway. Kumpiyansa naman ang pangulo sa kakayahan ni Dagoy na protektahan siya at ang kanyang pamilya at ang buong PSG. Nangako naman si Dagoy na buong-puso nitong poprotektahan ang seguridad ng pangulo.
Duterte naghuhugas-kamay lang sa planong i-impeach si Robredo

Duterte naghuhugas-kamay lang sa planong i-impeach si Robredo

National News
Hindi kinagat ni Senador Antonio Trillanes IV ang pagrenda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga kaalyado na nagbabalak na maghain ng impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo. Ayon kay Trillanes, naghuhugas-kamay lamang si Duterte sa isyu. Sinabi pa ng senador na kung hindi naman susundin si Duterte ng kanyang mga alagad ay paniguradong niloloko lamang nito ang taumbayan. Una na rito, nanindigan si House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi niya iaatras ang planong paghahain ng impeachment complaint laban kay Robredo sa kabila ng apela ni Duterte.
Pagpapalutang sa Martial Law scare tactic umano ng pangulo

Pagpapalutang sa Martial Law scare tactic umano ng pangulo

National News
Scare tactic. Ganito inilarawan ni dating Commission on Human Rights (CHR) Chair Etta Rosales ang makailang ulit na pagpapalutang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Martial Law. Pero ayon kay Rosales, hindi dapat balewalain ang mga pahayag ni Duterte tungkol sa pagpapataw ng Martial Law. Binatikos din ni Rosales ang aniya’y makitid na konsepto ng pangulo sa paglutas sa mga problema ng bansa. Aniya, ang tanging alam lang ng pangulo ay gumamit ng dahas. Pinayuhan naman ng dating CHR chair si Duterte na kumonsulta sa mga dalubhasa sa pamahalaan at pribadong sektor para makatuwang nito sa pagresolba sa mga problema ng bansa.
Trillanes pumalag sa mga paratang ni Duterte

Trillanes pumalag sa mga paratang ni Duterte

National News
Pinalagan ni Senador Antonio Trillanes IV ang paratang ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay nangingikil sa mga negosyante para sa sariling interes. Ginawa ni Duterte ang pahayag sa harap ng Filipino community sa Bangkok, Thailand. Bukod dito, sinabi rin ng pangulo na puwede raw niyang patayin si Trillanes. Base sa ipinadalang pahayag ni Trillanes, tinawag ng senador na sinungaling ang pangulo. Paliwanag ni Trillanes, kung totoo umano ang paratang na ito ni Duterte ay ilabas niya ang detalye at kasuhan siya.
Duterte tiniyak na hindi magtatayo ng anumang istraktura ang China sa Panatag Shoal

Duterte tiniyak na hindi magtatayo ng anumang istraktura ang China sa Panatag Shoal

National News
Tiniyak ng China na hindi sila magtatayo ng anumang istraktura sa Panatag Shoal. Ito ang kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte at sinabing nagpaliwanag na ang Chinese authorities kaugnay ng mga napabalitang pagtatayo ng monitoring station sa Scarborough at iba pang isla sa West Philippine Sea (WPS). Ayon sa pangulo, sinabihan na siya ng Chinese officials na hindi sila magtatayo ng istraktura sa Panatag Shoal bilang respeto sa pagkakaibigan ng China at Pilipinas. Kumbinsido naman ang pangulo na may ‘word of honor’ ang China at tutuparin ang pangako sa kanya. Una nang pinabulaanan ng Beijing ang napababalitang pagtatayo nito ng monitoring station sa Scarborough.
Areglo ni Duterte sa Mighty Corp hindi na matutuloy — Malacañang

Areglo ni Duterte sa Mighty Corp hindi na matutuloy — Malacañang

National News
Hindi na matutuloy ang tatlong bilyong pisong areglo na unang hiningi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mighty Corporation. Matatandaang inalok ni Duterte ang nasabing tobacco company ng tatlong bilyong piso para hindi na ituloy ang kasong economic sabotage at pamemeke ng cigarette tax stamps. Pero sinampahan na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang kumpanya ng siyam na bilyong tax evasion complaint sa Department of Justice (DOJ).