Pandi – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: Pandi

HUDCC walang ipatutupad na forced eviction vs Kadamay

HUDCC walang ipatutupad na forced eviction vs Kadamay

National News
Walang forced eviction na ipatutupad si Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) chief at Cabinet Secretary Jun Evasco sa mga miyembro ng Kadamay na umookupa sa mga pabahay sa Pandi, Bulacan. Ayon kay Evasco, si National Anti-Poverty Commission Chairman Liza Maza ang naatasang makipagdayalogo sa mga miyembro ng Kadamay patungkol sa isyu. Dagdag pa ni Evasco, inatasan na rin niya ang NHA na unahin ang housing application ng mga miyembro ng Kadamay. Samantala, sinabi naman ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa na walang pananagutan ang mga pulis-Bulacan sa puwersahang pag-okupa ng Kadamay sa mga bakanteng bahay sa Pandi. Iginiit ni Dela Rosa na posibleng sila ang lumabas na masama kung pipigilan ng pulisya ang pagpasok n...
Kadamay di-aalis sa inokupahang mga pabahay sa Pandi

Kadamay di-aalis sa inokupahang mga pabahay sa Pandi

Provincial
Nagmatigas pa rin ang grupong Kadamay at nanindigang hindi aalis sa inookupahang pabahay sa Bulacan. Tumanggi ang mga miyembro ng grupo na umalis sa Pandi-Atlantica na isa pang housing project ng National Housing Authority (NHA). Ito ay sa kabila ng eviction notice na nakaambang ilabas ngayong araw. Noong nakaraang linggo ay nagtangka rin ang Kadamay na okupahan ang isa pang pabahay ng gobyerno sa Bocaue, Bulacan.
Mga pabahay sa Bocaue, Bulacan bantay-sarado vs Kadamay

Mga pabahay sa Bocaue, Bulacan bantay-sarado vs Kadamay

National News
Sumiklab ang tensiyon sa pabahay ng pamahalaan sa Bocaue Hills, Bocaue, Bulacan. Nagtangkang pumasok sa lugar ang mga miyembro ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) na una nang umokupa sa ilan ding pabahay ng gobyerno sa Pandi, Bulacan. Dahil dito, bantay-sarado ng pulisya ang lugar at hindi basta-basta pinapapasok ang mga hindi residente. Nanindigan naman ang mga residente na hindi papapasukin ang mga miyembro ng Kadamay. Iginiit ng mga ito na may mga may-ari na ng mga bakanteng bahay na nais okupahan ng grupo. Giit naman ng grupo, dapat mapakinabangan ng mahihirap ang mga bakanteng bahay sa Bocaue Hills. Hanggang ngayon ay inookupahan pa rin ng mga miyembro ng grupo ang mga bakanteng unit sa Pandi. Una nang tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ...
NHA, maglalabas ng eviction order sa grupong Kadamay na umokupa sa mga pabahay sa Bulacan

NHA, maglalabas ng eviction order sa grupong Kadamay na umokupa sa mga pabahay sa Bulacan

National News
Sa Marso 20 maglalabas ng eviction order ang National Housing Authority (NHA) laban sa mga miyembro ng grupong Kadamay na nag-okupa sa mga nakatiwangwang na pabahay sa Pandi, Bulacan. Sapilitan naman umanong paaalisin ang mga ito kung hindi lilisanin ang housing units sa oras na matanggap ang eviction notice. Ang mga nasabing housing units ay nakalaan umano para sa informal settlers, mga pulis at mga sundalo. Handa naman umano ang NHA na gawing benepisyaryo ng pabahay ang mga miyembro ng Kadamay basta susunod ang mga ito sa tamang proseso.
Pag-okupa ng Kadamay sa mga pabahay sa Bulacan, pinaiimbestigahan

Pag-okupa ng Kadamay sa mga pabahay sa Bulacan, pinaiimbestigahan

Provincial
Nais paimbestigahan ni Negros Occidental Representative Alfredo Benitez ang pag-okupa ng grupong Kadamay sa housing project ng gobyerno sa Pandi, Bulacan. Sa Resolution No. 875 na inihain ni Benitez, hinikayat nito ang Kamara na alamin ang sinasabi ng National Housing Authority (NHA) na iligal na pag-okupa ng naturang grupo sa mga housing unit. Sa kanyang resolusyon, iginiit ni Benitez na pagkakataon ito ng Kamara na suriing mabuti ang kasalukuyang programang pabahay ng pamahalaan. Dapat din umanong bigyang-pansin kung bakit umabot sa pagiging desperado ang naturang grupo.
Sapilitang, pag-okupa sa mga pabahay sa Bulacan hindi kukunsintihin ni Duterte

Sapilitang, pag-okupa sa mga pabahay sa Bulacan hindi kukunsintihin ni Duterte

National News
Hindi raw kukunsintihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pamilya na sapilitang umokupa sa mga pabahay sa Pandi, Bulacan. Nasa apat na libong katao na mga miyembro ng grupong Kadamay ang nag-okupa sa housing units sa Pandi at San Jose Del Monte Bulacan bilang protesta sa umano’y kapabayaan ng gobyerno na maglaan ng pabahay para sa mahihirap. Nagbabala ang pangulo na kung hindi sila susunod sa batas ay mapipilitan siyang gumamit ng puwersa para paalisin ang mga ito. Tiniyak naman ni Duterte na sapat ang pondo ng gobyerno para sa pangangailangan ng maralitang lunsod. Una nang napaulat na binigyan lamang itong araw ang mga umokupa ng pitong araw para umalis sa housing projects.