Ombudsman – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: Ombudsman

Noynoy Aquino, dapat mapanagot sa DAP — Bayan Muna

Noynoy Aquino, dapat mapanagot sa DAP — Bayan Muna

National News
Naghain ng apela ang militanteng grupong Bayan Muna matapos iabsuwelto ng Ombudsman si dating Pangulong Noynoy Aquino. Ayon sa mga complainant na pinangunahan ni Bayan Muna Party-list Representative Carlos Zarate, ang desisyon ng Ombudsman sa kaso ng Disbursement Acceleration Program (DAP) ay pagtatangkang protektahan ang dating pangulo. Hindi rin naniniwala ang mga complainant na ginawa ‘in good faith’ ni Aquino at dating Department of Budget and Management (DBM) Secretary Butch Abad ang DAP. Punto ng Bayan Muna, mismong si Aquino ang nag-apruba ng DAP noong Oktubre 2011 at inaprubahan din nito ang hirit ni Abad na authority on savings noong 2012. Kaya dapat umanong makasuhan ng usurpation of legislative power si Aquino gaya ni Abad.
Peña, 8 iba pa kinasuhan sa Ombudsman

Peña, 8 iba pa kinasuhan sa Ombudsman

National News
Sinampahan sa Ombudsman ng kasong katiwalian at pamemeke ng pampublikong dokumento si dating Makati acting Mayor Romulo “Kid” Peña at walong iba pa. Nag-ugat ang kaso sa umano’y maanomalyang pagbili ng eight hundred twenty three thousand pesos na halaga ng sports items para sa summer program ng Makati. Ayon sa complainant na si Marlyn King, hepe ng Youth and Sport Development Department ng Makati, buo ang ibinayad ni Peña sa nasabing mga gamit kahit pa hindi kumpleto ang pagde-deliver. Aniya, may ilang reports na pineke nina Peña para ma-certify na nai-deliver ang lahat ng biniling sports items. Mayroon din umanong discrepancy o pagkakaiba sa mga gamit pang-isports na nakalagay sa purchase request at sa aktuwal na idineliber. Dagdag pa ni King, dapat ay makasuha...
Duterte, nakiusap sa local executives ng Mindanao na tulungan ang gobyerno laban sa terorismo

Duterte, nakiusap sa local executives ng Mindanao na tulungan ang gobyerno laban sa terorismo

National News
Nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lokal na opisyal ng Mindanao na tulungan siya sa paglaban sa terorismo sa rehiyon. Ginawa ito ni Duterte sa kanyang pakikipagharap sa mga mayor at gobernador ng buong Mindanao sa Davao City. Binigyang-diin ng pangulo na tanging local executives ang makatutulong o makagagawa ng paraan upang maiwasang kumalat ang terorismo sa kanilang mga lugar. Sinabi ng pangulo na maaari ding hingin ng mga lokal na opisyal ang suporta ng militar kung kinakailangan. Giit ng pangulo na kung magiging ‘out-of-control’ na ang karahasan sa Mindanao dahil sa mga terorista, mapipilitan siyang magdeklara ng Martial Law. Tiniyak naman ni Pangulong Duterte na makaaasa ng tulong mula sa kanya ang mga mayor at gobernador na makakasuhan sa Ombudsman hin...
Dating DBM Secretary Abad, pinakakasuhan ng Ombudsman

Dating DBM Secretary Abad, pinakakasuhan ng Ombudsman

National News
Pinakakasuhan ng Office of the Ombudsman si dating Department of Budget and Management (DBM) Secretary Florencio Abad. Ito ay matapos makitaan ng probable cause ang kasong kinasangkutan ni Abad kaugnay ng 72-million pesos disbursement acceleration program (DAP). Base sa resolusyong nilagdaan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, nagkaroon ng usurpation of legislative powers ang tanggapan ni Abad nang ipatupad ang DAP na hindi dumaan sa budget process ng Kongreso. Tinukoy rin ng anti-graft body na guilty si Abad sa simple misconduct at dapat itong patawan ng tatlong buwang suspensiyon. Pero dahil wala na sa tungkulin ang dating kalihim, iko-convert na lang ang parusa sa multang katumbas ng tatlong buwan nitong sahod. Kaugnay nito, nirerespeto umano ni dating Budget Secret...
Prospero Nograles, pinakakasuhan ng Ombudsman

Prospero Nograles, pinakakasuhan ng Ombudsman

National News
Pinasasampahan ng kaso ng Ombudsman si dating House Speaker Prospero Nograles dahil sa kasong graft, malversation at malversation thru falsification of public documents. Nag-ugat ang kaso laban kay Nograles mula sa pork barrel fund ni Congressman Danilo Lagbas noong 2007 hanggang 2009. Nang mamatay si Lagbas noong 2008 ay nagsilbing caretaker si Nograles ng Misamis Oriental. Ang pondong nagkakahalaga ng P47.5 milyon ay nakalaan para sa livelihood project sa Unang Distrito ng Misamis Oriental. Pero hindi nakatanggap ng livelihood technology kits, mga punla, traktora at water pumps ang mga dapat sana’y benepisyaryo. Pinakakasuhan din ang chief of staff ni Nograles na si Karen Lagbas at 24 na iba pa.
Ex-deputy chief of staff ni dating Senador Jinggoy Estrada, 13 pang dawit sa pork barrel scam, sinibak ng Ombudsman

Ex-deputy chief of staff ni dating Senador Jinggoy Estrada, 13 pang dawit sa pork barrel scam, sinibak ng Ombudsman

National News
Sinibak sa puwesto ng Office of the Ombudsman ang dating deputy chief of staff ni dating Senador Jinggoy Estrada kasama ang 13 iba pa na sangkot sa pork barrel scam. Sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, napatunayang guilty ang mga ito sa grave misconduct, conduct prejudicial to the best interest of the service at dishonesty. Kabilang na rito ang dating deputy chief of staff ni dating Senador Jinggoy Estrada na si Pauline Therese Mary Labayen. Tanggal na rin sa kanilang mga puwesto sina Antonio Ortiz, Gondelina Amata, Victor Roman Cacal, Maria Niñez Guañizo, Romulo Relevo, Ma. Julie Villaralvo-Johnson, Rhodora Mendoza, Dennis Cunanan, Evelyn Sucgang, Chita Jalandoni, Emmanuel Alexis Sevidal, Marivic Jover at Sofia Cruz. Hindi na rin papayagang makakuha ng anumang t...
DOJ Secretary Aguirre, kumpiyansang ibabasura ng SC ang mosyong inihain ng kampo ni De Lima

DOJ Secretary Aguirre, kumpiyansang ibabasura ng SC ang mosyong inihain ng kampo ni De Lima

National News
Kumpiyansa si Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre na ibabasura lamang ng Supreme Court (SC) ang inihaing mosyon ng kampo ni Senadora Leila De Lima. Una nang inihirit ni De Lima na maglabas ng temporary restraining order (TRO) ang korte at isantabi ang warrant of arrest at pigilan si Judge Juanita Guerrero na magsagawa ng pagdinig. Sa ipinadalang mensahe ni Aguirre, iginiit nitong ‘perfectly legal’ daw ang pag-aresto sa senadora. Giit ng investigating prosecutors, may hurisdiksiyon ang DOJ sa kaso, inihalimbawa rito ang ruling ng SC noong 2004 kaugnay ng coup d’etat charges laban kay Senator Gregorio Honasan matapos masangkot sa 2003 Oakwood Mutiny. Dagdag ng SC, ang kapangyarihan ng Ombudsman na mag-imbestiga sa mga kaso ng public officers at emplo...
Senadora De Lima, iginiit na pinabilis ang proseso ng mga kasong kinaharap niya

Senadora De Lima, iginiit na pinabilis ang proseso ng mga kasong kinaharap niya

National News
Pinilit, sinadya at pinabilis. Ito ang reaksiyon ni Senadora Leila De Lima sa takbo ng mga kasong kinahaharap niya sa Muntinlupa RTC. Ayon kay De Lima, nalabag ang jurisdictional view dahil Ombudsman at hindi RTC ang dapat humawak ng kanyang mga kaso. Ani De Lima, malinaw na pilit ang filing ng mga kaso para mapabilis ang pagre-release ng probable cause at warrant of arrest laban sa kanya. Giit ng senadora, na hindi puwedeng non-bailable ang mga kasong isinampa laban sa kanya. Sa ngayon ay pinoproseso na ng tatlong huwes na naatasang humawak sa tatlong kaso ni De Lima para hanapan ang mga ito ng probable cause. Si De Lima ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 matapos masangkot sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).
Trillanes, muling hinamon si Duterte; transaction history sa bank accounts, ipinalabas na

Trillanes, muling hinamon si Duterte; transaction history sa bank accounts, ipinalabas na

National News
Hindi papatulan ni Senador Antonio Trillanes ang aniya’y pang-iinsulto sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte. Pero sa isang statement, iginiit ni Trillanes na hindi siya papayag na ilihis ng pangulo ang ibinabato niyang isyu laban dito. Muling hinamon ni Trillanes si Duterte na tanggapin ang hamon niya at buksan ang transaction history ng bank accounts nito, lalo na’t kung wala umano itong itinatagong yaman. Sinabi rin ni Trillanes na kung mali siya ay magbibitiw siya bilang senador. Ipinunto rin ni Trillanes na naghain siya ng kasong plunder laban kay Duterte noong Mayo 2016 at nanawagan siya sa Ombudsman na bilisan  ang imbestigasyon patungkol sa mga umano’y tagong yaman niDuterte. Kagabi ay sinagot na ni Duterte ang mga alegasyon ni Trillanes at hinamon niya itong patunaya...
Mga lokal na opisyal, nangunguna sa pinakamaraming kaso sa Ombudsman

Mga lokal na opisyal, nangunguna sa pinakamaraming kaso sa Ombudsman

National News
Nanguna ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan sa bilang ng pinakamaraming kinasuhan sa Office of the Ombudsman para sa taong 2016. Batay sa report ng Ombudsman’s finance and management information office, may kabuuang 2,799 ang kasong isinampa laban sa mga opisyal ng local government units (LGU’s). Sa bilang na ito ay nanguna ang mga opisyal ng munisipyo na sinundan ng baranggay at provincial officials na pawang naharap sa mga kasong administratibo at kriminal. Pumangalawa naman ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP)  kung saan nasa 1,022 naman ang mga kasong naisampa laban sa kanila ng anti-graft body. Pangatlo naman ang Department of Education,  habang ang ilan pang kasama sa top 10 ay ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Department Of Environment and Natu...