NHA – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: NHA

DSWD hindi kinukunsinti ang Kadamay na nag-okupa sa mga pabahay sa Bulacan

DSWD hindi kinukunsinti ang Kadamay na nag-okupa sa mga pabahay sa Bulacan

National News
Nilinaw ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo na hindi niya kinukunsinti ang grupong Kadamay na nag-okupa sa mga pabahay ng gobyerno sa Bulacan. Ginawa ng kalihim ang pahayag makaraang batikusin ang pamamahagi ng DSWD ng tulong sa mga miyembro ng Kadamay. Ayon kay Taguiwalo, mandato nila na magbigay nang agarang tulong sa mga pamilyang nasa krisis. Aniya, malasakit at tulong muna ang dapat unahin lalo’t may mga bata, buntis at matatandang nagugutom sa lugar. Ipinauubaya naman aniya ng DSWD sa National Housing Authority (NHA) ang usapin kung iligal o hindi ang ginawa ng grupong Kadamay sa mga pabahay sa Bulacan.
Kadamay di-aalis sa inokupahang mga pabahay sa Pandi

Kadamay di-aalis sa inokupahang mga pabahay sa Pandi

Provincial
Nagmatigas pa rin ang grupong Kadamay at nanindigang hindi aalis sa inookupahang pabahay sa Bulacan. Tumanggi ang mga miyembro ng grupo na umalis sa Pandi-Atlantica na isa pang housing project ng National Housing Authority (NHA). Ito ay sa kabila ng eviction notice na nakaambang ilabas ngayong araw. Noong nakaraang linggo ay nagtangka rin ang Kadamay na okupahan ang isa pang pabahay ng gobyerno sa Bocaue, Bulacan.