NBA – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: NBA

Klay Thompson nanguna sa panalo ng Warriors vs Grizzlies

Klay Thompson nanguna sa panalo ng Warriors vs Grizzlies

Sports
Pinangunahan ni Klay Thompson ang Golden State Warriors sa laban nito kontra sa Memphis Grizzlies, sa score na 106-94. Kumarta ng tatlumpu’t isang puntos si Thompson na nagpakawala ng pitong 3-pointer. Kumamada naman ng dalawampu’t isang puntos si Stephen Curry na may limang 3-pointer, 4 steals at 11 assists. Naitala ng Warriors ang ikapitong sunod na panalo nito sa National Basketball Association (NBA).
Houston Rockets pinataob ang OKC sa NBA

Houston Rockets pinataob ang OKC sa NBA

Sports
Ipinahiya ng Houston Rockets ang Oklahoma City Thunder sa paghaharap ng mga ito sa National Basketball Association (NBA), sa score na 137-125. Pinangunahan ni James Harden ang Rockets sa kanyang double-double performance na 22 points at 12 assist. Samantalang nag-ambag ng 31 points si Lou Williams na nagpakawala rin ng pitong 3-pointer. Si Russell Westbrook naman ang nanguna para sa OKC na nagtala ng kanyang ikatatlumpu’t anim na triple double. Hawak ngayon ng Rockets ang 51-22 win loss record sa NBA. Sunod na makahaharap ng Rockets ang Golden State Warriors sa Martes.
Phoenix Fuel tinambakan ng KaTropa sa iskor na 134-109

Phoenix Fuel tinambakan ng KaTropa sa iskor na 134-109

Sports
Tinambakan ng TNT KaTropa ang Phoenix Fuel Masters para sa kanilang unang panalo sa iskor na 134-109. Siniguro naman ni Lou Amundson na maaalaala siya sa kanyang last game sa Philippine Basketball Association (PBA) matapos magtala ng 20 puntos at walong rebounds para sa TNT. Kinuha lamang ng TNT si Amundson para sa dalawang laro at papalitan din agad ito ng kapwa National Basketball Association (NBA) veteran na si Donte Greene. Samantala, nagbigay rin ng 18 puntos sina Ranidel de Ocampo at Troy Rosario samantalang 17 puntos naman ang isinalpak ni RR Pogoy. Umabot sa 35 puntos ang kalamangan ng TNT mula sa unang quarter at hindi na nahabol pa ng Phoenix hanggang matapos ang laro.
Lamarcus Aldridge balik na sa NBA matapos ang heart problem

Lamarcus Aldridge balik na sa NBA matapos ang heart problem

Sports
Balik na sa basketball court si San Antonio Spurs forward Lamarcus Aldridge matapos ang minor heart issue. Sumailalim si Aldridge sa mga test at eksaminasyon at konsultasyon dahil sa kanyang minor heart arrhythmia. Noong wala si Aldridge ay tinalo ng Spurs ang Golden State Warriors, Atlanta Hawks at Portland Trail Blazers. Hawak ng Spurs ang 52-14 win-loss record na second-best record sa National Basketball Association (NBA).
Career-high 30 points ni Film-Am player Jordan Clarkson, nabalewala sa pagkatalo ng Lakers kontra-Sixers

Career-high 30 points ni Film-Am player Jordan Clarkson, nabalewala sa pagkatalo ng Lakers kontra-Sixers

Sports
Nauwi sa wala ang isinalpak na career-high 30 points at eight assists ng Filipino-American player na si Jordan Clarkson. Ito ay matapos na manaig sa Lakers ang Philadelphia Sixers sa iskor na 118-116. Ang dalawang koponan ay maituturing na ‘worst teams’ ngayong National Basketball Association (NBA) season. Samantala, umeksena naman para sa Sixers si Dario Saric na gumawa ng career-high 29 points at Jahlil Okafor na nagposte ng 23 puntos.
Dirk Nowitzki, nasungkit ang 30,000 career points sa NBA

Dirk Nowitzki, nasungkit ang 30,000 career points sa NBA

Sports
Kasama na ngayon sa listahan ng National Basketball Association (NBA) athletes na umabot sa 30,000 career points si Dallas Mavericks star Dirk Nowitzki. Naiposte ni Nowitzki ang nasabing milestone sa laban ng Mavericks kontra-Los Angeles Lakers. Kasama ni Nowitzki sina Kareem Abdul-Jabbar, Karl Malone, Kobe Bryant, Michael Jordan at Wilt Chamberlain sa nasabing listahan. Kung babalik ang basketbolista sa susunod na taon para sa kanyang 20th season, makapapantay na ni Nowitzki ang record ni Los Angeles Lakers star Kobe Bryant na naglaro sa iisang koponan sa loob ng dalawampung season.
Andrew Bogut, pumirma na sa Cavaliers

Andrew Bogut, pumirma na sa Cavaliers

Sports
Opisyal nang pumirma ng free agent contract ang Golden State Warriors center na si Andrew Bogut para sa Cleveland Cavaliers. Inaasahan namang maglalaro si Bogut para sa Cavs sa Lunes sa laro kontra-Miami Heat. Isa si Bogut sa mga tumulong para makuha ng Warriors ang kampeonato noong 2015 National Basketball Association (NBA) finals. Samantala, lumagda na ng kontrata si Matt Barnes matapos magkaroon ng knee injury si Kevin Durant. Naglaro na rin si Barnes para sa Golden State noong 2006 hanggang 2008. Posible namang magbalik si Durant sa paglalaro matapos ang isang buwan.
76ers Center Joel Embiid, ‘di na lalaro sa NBA regular season

76ers Center Joel Embiid, ‘di na lalaro sa NBA regular season

Sports
Hindi na makapaglalaro sa kasalukuyang season ng National Basketball Association (NBA) si Philadelphia 76ers Center Joel Embiid dahil sa mga problema sa kanyang kaliwang tuhod. May pinsala sa bahagi ng tuhod ni Embiid na mas malala pa kaysa sa inaasahan ng koponan. Hindi rin nakapaglaro sa kanyang unang dalawang season sa NBA si Embiid dahil sa problema naman nito noon sa kanang paa. Nakapaglaro naman nang tatlumpu’t isang beses si Embiid sa kasalukuyang NBA season.
Atlanta Hawks, wagi kontra San Antonio Spurs sa overtime game sa NBA

Atlanta Hawks, wagi kontra San Antonio Spurs sa overtime game sa NBA

Sports
Magandang sinimulan ng Atlanta Hawks ang taong 2017. Ito ay matapos daigin ang San Antonio Spurs sa overtime sa score na 114-112. Pinangunahan ni Paul Millsap ang Hawks sa kanyang doble-doble performance na 32 points at 13 rebounds. Nag-ambag naman si Tim Hardaway ng 29 points habang kumana ng 16 points si Dennis Schroder. Hindi naman sumapat ang 27 points ni Lamarcus Aldridge at 22 points ni Tony Parker para maungusan ng Spurs ang Hawks. Hawak ngayon ng Hawks ang 18 wins-16 losses sa NBA.
Warrior Guard Kevin Durant, nanawagan ng reporma sa NBA

Warrior Guard Kevin Durant, nanawagan ng reporma sa NBA

Sports
Nanawagan ng reporma sa NBA si Golden State Warriors Guard Kevin Durant. Kasunod ito ng pagtanggap ng NBA sa kanilang kamalian sa naganap na Christmas day game ng Warriors at Cavaliers matapos na hindi tawagan mga referee ng foul ang mga manlalaro ng Cavs. Umaasa si Durant na magsasagawa ng reporma ang NBA at pagsasabihan nito ang kanilang mga referee. Matatandaan na hindi tinawagan ng technical foul si Lebron James matapos itong sumabit sa rim habang hindi rin tinawagan ng foul si Richard Jefferson na nagkaroon ng physical contact kay Durant.