nasunog – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: nasunog

Pabrika ng tsinelas sa Valenzuela City nasunog

Pabrika ng tsinelas sa Valenzuela City nasunog

Provincial
Tinatayang aabot sa sampung milyong piso ang halaga ng pinsala matapos masunog ang isang pabrika ng tsinelas sa Baseco Street, Balubaran sa Valenzuela City. Mag-aalas dose ng tanghali kahapon nang sumiklab ang sunog sa nasabing pabrika. Ayon sa caretaker ng pabrika, napansin na lamang nila na may kumikislap mula sa isang extension cord. Dahil naman umano sa detergent powder at solvent ay pumutok ang nasabing extension at doon na nagsimula ang apoy na mabilis namang kumalat dahil pawang raw materials ang laman ng gusali. Umabot sa Task Force Bravo ang sunog na naapula matapos ang higit-kumulang apat na oras. Wala pa umanong nakikita ang mga awtoridad na paglabag sa Fire Code ng establisimiyento at iginiit na aksidente lamang ang nangyaring sunog.
Isang gas station sa San Miguel sa Pasig City, nasunog

Isang gas station sa San Miguel sa Pasig City, nasunog

Metro News
Nasunog ang isang gas station sa Sandoval Avenue sa Barangay San Miguel sa Pasig City. Sa inisyal na ulat, nagsimula ang sunog sa Omni Gas Station. Mabilis namang kumalat ang apoy at nadamay ang katabing gas station na Flying V. Itinaas naman hanggang sa ikalimang alarma ang sunog. Lima katao rin ang naitalang sugatan dahil sa insidente. Tinatayang aabot sa dalawampung milyong piso ang halaga ng pinsala dahil sa sunog.
Ancestral House nina dating PCSO Chair Margie Juico, nasunog

Ancestral House nina dating PCSO Chair Margie Juico, nasunog

National News
Isang sunog ang sumiklab sa Residential Area sa Roosevelt Avenue, Barangay Paraiso sa Quezon City. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagmula ang sunog sa ika-2 palapag ng Ancestral House nina dating PCSO Chair Margie Juico. Kabilang naman sa mga gamit na sinagip sa bahay ng mga Juico ang mga painting ni Fernando Amorsolo na hinahanap umano ng PCGG. Umabot naman sa ika-3 alarma ang naturang sunog bago ito idineklarang under control ng BFP. Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa naganap na sunog. Patuloy pa ring inaalam ang pinagmulan ng sunog.
24 bahay sa Davao City, nasunog

24 bahay sa Davao City, nasunog

Provincial
24 na kabahayan ang tinupok ng apoy matapos na sumiklab ang sunog sa Barangay Monteverde Senior sa Davao City linggo ng umaga. Tumagal ng 1 oras ang sunog na nagsimula bandang 11:00 ng umaga. Paniwala naman ng ilang residente sinadya ang sunog. Nadamay din ang 3 classrooms ng Agdao Elementary School- Main Campus. Iniimbestigahan naman ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.
Barracks ng PH Navy sa Taguig, nasunog

Barracks ng PH Navy sa Taguig, nasunog

Metro News
Nagkaroon ng sunog sa Female Barracks ng Philippine Navy sa Bonifacio Naval Station, Naval Station Jose Francisco, Fort Bonifacio sa Taguig City. Ayon sa pahayag ng Philippine Navy, nagsimula ang sunod sa Auxiliary Lady of the Navy o Alon Barracks dakong alas kwatro kahapon. Naapula naman ang sunog matapos ang halog isang goras. Inaalam pa ng mga otoridad na ang pinagmulan ng sunog.
Isang Gusali sa Speaker Perez Avenue sa Quezon City, nasunog

Isang Gusali sa Speaker Perez Avenue sa Quezon City, nasunog

National News
Nasunog ang isang establisyemento sa Speaker Perez Avenue, Sta. Teresita sa Quezon City. Ang gusali ay pag-aari ng Maclin Electronics na pagawaan ng mga electronics at imbakan din umano ng mga appliances. Dahil pawang electronics ang mga nasa loob ng gusali, mabilis na kumapal ang usok at lumaki ang apoy. Patuloy naman inaalam ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog at kung may nasaktang sa insidente.