Meralco Bolts – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: Meralco Bolts

Yap nakuha ang unang ‘Player of the Week’ title sa 2017 PBA Commissioner’s Cup

Yap nakuha ang unang ‘Player of the Week’ title sa 2017 PBA Commissioner’s Cup

Sports
Itinanghal na Philippine Basketball Association (PBA) “Player of the Week” si James Yap matapos na dalhin sa back-to-back victories ang defending champion na Rain or Shine Elasto Painters sa kabubukas pa lamang na 2017 Commissioner’s Cup. Bumida ang two-time “PBA Most Valuable Player” sa dalawang laro ng Elasto Painters kontra-NLEX at Mahindra. Sa pagsisimula ng midseason conference, nakapagtala si Yap ng average na 19.0 points at 3.0 rebounds at dinaig ang young backcourt ng MERALCO Bolts na si Base Amer at Chris Newsome. Susunod namang makasasagupa ng Elasto ang Blackwater Elite sa Linggo.
Alaska Aces, tabla na sa Meralco Bolts

Alaska Aces, tabla na sa Meralco Bolts

Sports
Tabla na sa 2-2 ang Alaska Aces at Meralco Bolts. Ito ay matapos na mahabol ng Aces ang kalamangan ng Bolts at tuluyan itong maungusan para maiposte ang panalo 81-79. Pinangunahan ni Vic Manuel ang laro na nakagawa ng 22 puntos at sampung rebound habang nagdagdag rin ng 9 puntos, pitong rebounds, limang assists at dalawang blocks si Calvin Albueva. Pumuntos rin ng tig-siyam sina Chris Banchero at Jaypee Mendoza.
L.A Tenorio, aminadong ayaw paabutin sa Game 7 ang serye sa Meralco Bolts

L.A Tenorio, aminadong ayaw paabutin sa Game 7 ang serye sa Meralco Bolts

Sports
Ikinuwento ni PBA Governors’ Cup Finals MVP L.A Tenorio ang dahilan kung bakit tila nagmamadali siyang tapusin sa Game Six ang laban ng Ginebra Kings sa Meralco Bolts. Ayon kay Tenorio, ayaw niyang maglaro ng Game 7 dahil sa manganganak na ang asawa nito bukas. Aniya, ayaw niyang isipin ang Game 7 kasabay ng panganganak ng asawa. Nasa 25 puntos ang iniambag ni Tenorio para sa pagkapanalo ng Ginebra. Umaasa naman ang basketbolista na magtutuloy-tuloy na ang dynasty na bubuuin nila sa koponan.
Barangay Ginebra San Miguel, muling nakasungkit ng kampeonato matapos ang 8 taon

Barangay Ginebra San Miguel, muling nakasungkit ng kampeonato matapos ang 8 taon

Sports
Tinapos na ng Barangay Ginebra San Miguel ang walong taong pagkauhaw sa kampeonato. Ito ay matapos na magwagi ang Ginkings kontra Meralco Bolts sa game 6 ng best of seven series ng PBA Governor’s Cup Finals sa iskor na 91-88. Naging susi naman sa tagumpay ng Ginkings ang buzzer beater shot ni Justin Brownlee. Itinanghal naman bilang finals most valuable player si La Tenorio.
Tim Cone, inihalintulad si Allen Durham kay Bobby Ray Parks

Tim Cone, inihalintulad si Allen Durham kay Bobby Ray Parks

Sports
Inihalintulad ni Barangay Ginebra Coach Tim Cone si Allen Durham ng Meralco Bolts kay 90’s PBA Best Import Awardee na si Bobby Ray Parks. Ayon kay Cone, target ng Ginkings na patigilin si Durham sa mga tira nito. Dagdag pa ni Cone, marami na silang ginawang istratehiya para pahirapan sa basketball court si Durham. Ngayon ay hawak ng Ginebra ang 3-2 record laban sa Bolts.  
Fans ng Ginebra, todo-bunyi sa pagkapanalo ng koponan vs Bolts

Fans ng Ginebra, todo-bunyi sa pagkapanalo ng koponan vs Bolts

Sports
Tila hindi pa rin maka-move on ang mga fans ng Barangay Ginebra matapos manalo sa Game Five PBA Governor’s Cup kontra Meralco Bolts kagabi. Hindi akalain ng mga fans ng Ginebra na makakabawi pa ito mula sa pagkatalo sa Bolts. Tinapos ng Ginebra ang laro sa iskor na 92-81. Nag-trending naman sa social media ang #UnleashTheKingsGinebra. Muling maghaharap ang Gin Kings at Bolts sa Game 6 at 7 para magkaalaman kung sino talaga ang magka-kampeon.  

Panalo ng Meralco Bolts, nadagdagan pa matapos payukuin ang Phoenix Fuel Masters

news photo, Sports
Nadagdagan pa ang winning streak ng Meralco Bolts matapos nilang talunin ang Phoenix Fuel Masters sa iskor na 90-87 sa pagpapatuloy ng 2016 PBA Commissioner's Cup. Sa unang dalawang quarter ng laro, nagawang malamangan ng Master ang Meralco ng hanggang 18 puntos. Pagsapit naman ng ikatlong quarter ng laro, nagawang mapaliit ng Bolts ang kalamangan ng Master hanggang maitabla ito. Pagpasok naman ng huling quarter, nagawa ng makalamang ang Bolts hanggang sa tuluyang matapos ang laro. Sa panig ng Bolts, gumawa ng 17 points at 18 rebounds ang import nilang si Arinze Onuaku habang si Chris Newcome ay dumagdag ang ginawang 16 points para makuha nila ang 4-0 standing. Tumulong din sa panalo ng Bolts sina Gary David na nakagawa ng 13 points at si Jared Dillinger na may 10 points.