Mayor Rolando Espinosa – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: Mayor Rolando Espinosa

Mga sangkot sa pagkamatay ni Espinosa hawak na ng CIDG

Mga sangkot sa pagkamatay ni Espinosa hawak na ng CIDG

National News
Hawak na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8 sina Superintendent Marvin Marcos at labinsiyam na iba pang sangkot sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa. Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa, matapos na ilabas ng korte ang arrest warrant laban sa mga suspek ay agad itong isinilbi ng mga awtoridad. Hinihintay na lamang ni Dela Rosa ang pinal na resulta ng imbestigasyon at rekomendasyon ng PNP-Internal Affairs Service sa kasong administratibo ng dalawampung suspek.
Hukom na nag-isyu ng warrant of arrest para mapasok sa kulungan si Espinosa pinakakasuhan ng DOJ

Hukom na nag-isyu ng warrant of arrest para mapasok sa kulungan si Espinosa pinakakasuhan ng DOJ

National News
Pinakakasuhan ng Department of Justice (DOJ) ng kasong administratibo si Judge Tarcelo Sabare, Executive Judge ng Basey Samar Regional Trial Court. Kaugnay ito ng pag-isyu nito ng search warrant para mapasok ng mga awtoridad ang kulungan nina dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa at isa pang bilanggo na si Raul Yap. Magugunitang napatay sina Espinosa at Yap sa Leyte Sub-Provincial Jail sa raid na isinagawa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8 noong Nobyembre 5, 2016. Ayon sa DOJ, walang extreme urgency para ipatupad ang operasyon ng alas-tres ng madaling araw dahil pareho namang nakadetine ang dalawa. Matatandaang ang search warrant na nakuha ng grupo ni Supt. Marcos na noo’y namumuno ng CIDG-Region 8 ang ginamit na batayan para mapasok ang...
Kerwin, nagsisisi sa paghikayat sa ama na pumasok sa pulitika

Kerwin, nagsisisi sa paghikayat sa ama na pumasok sa pulitika

National News
Labis ang pagsisisi ni Kerwin Espinosa dahil sa paghikayat niya sa kaniyang ama na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa na pumasok sa pulitika. Ayon kay Kerwin, pulitika ang nagtuldok sa buhay ng kaniyang ama na napatay sa loob ng bilangguan. Sinabi rin ni Kerwin na ang paghikayat niya sa ama na tumakbo bilang alkalde ay para matigil na rin ang kaniyang iligal na aktibidad. Aniya, nangako siya sa kaniyang ama na magbabagong buhay na. Giit din niya na hindi na niya alam ang emosyunal na panawagan ng kaniyang ama na sumuko na lamang siya sa mga awtoridad. Samantala, hindi kumbinsido si Kerwin sa Affidavit ng kaniyang ama na kinunan ni Chief Inspector Jovie Espinido na hindi authentic dahil hindi umano ito pirma ng kaniyang ama.
Vice Mayor ng Albuera, Leyte, uupong OIC matapos makulong ang alkalde na si Mayor Rolando Espinosa

Vice Mayor ng Albuera, Leyte, uupong OIC matapos makulong ang alkalde na si Mayor Rolando Espinosa

National News
Nakatakdang i-take-over ngayong araw ni Albuera Vice Mayor Rosa Meneses ang pamumuno sa lokal na pamahalaan lokal ng Albuera, Leyte. Ito ay matapos makulong ang kanilang alkalde na si Mayor Rolando Espinosa makaraang kasuhan ng Illegal Possession of Firearms at kasong kaugnay sa iligal na droga. Una rito, mahigit isang buwan ding nag-opisina si Mayor Espinosa sa Albuera PNP makaraang humiling ng protective custody mula sa pulisya ng Leyte. Si Meneses ay magiging officer-in-charge ng bayan ng Albuera.
Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, inaresto dahil sa ilegal possesion of drug at firearms

Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, inaresto dahil sa ilegal possesion of drug at firearms

National News
Inaresto ng pulisya si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa dahil sa ilegal possesion of drug at firearms. Ayon kay Chief Inspector Jovie Espenido, hepe ng Leyte Police, agad nilang isinilbi ang dalawang warrant of arrest laban sa alkalde matapos matanggap kanina. Ang unang warrant ay para sa possesion of illegal drugs habang ang ikalawa naman ay para sa possesion of firearms. Isinailalim na rin sa booking process ang alkalde kung saan kinuhanan ito ng mug shots at finger prints. Samantala, tuloy naman ang pagtugis ng mga otoridad sa anak nitong si Kerwin Espinosa na umano’y drug lord sa Eastern Visaya.