Mandaue City – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: Mandaue City

Cebu nilindol kaninang madaling-araw

Cebu nilindol kaninang madaling-araw

Provincial
Niyanig ng magkasunod na lindol ang Cebu kaninang madaling-araw. Sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), unang naitala ang magnitude 3.4 na lindol sa Asturias, Cebu na may lalim na limang kilometro bandang alas-3:41. Makalipas ang ilang minuto, sunod namang naramdaman ang magnitude 4.8 na lindol sa Balamban, Cebu na may lalim na dalawampu’t limang kilometro. Naramdaman ang intensity 3 sa Cebu City samantalang intensity 2 naman sa Lapu-Lapu City at Mandaue City. Pawang tectonic ang origin ng magkasunod na lindol. Wala namang naiulat na napinsala o nasaktan dahil sa magkasunod na pagyanig.
Gusali ng DENR-Central Visayas, nasunog

Gusali ng DENR-Central Visayas, nasunog

Provincial
Nasunog ang dalawang palapag na gusali ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Central Visayas sa  Green Plains Subdivision sa Barangay Banilad, Mandaue City. Ayon kay Senior Fire Officer 2 Cipriano Codilla, Jr., nagsimula ang apoy sa Integrated Coastal Resources Management project building at agad itong kumalat sa kalapit na gusali. Maliban sa opisina ng DENR-Central Visayas, nadamay rin sa sunog ang dalawa pang palapag na gusali at dalawang sasakyang nakaparada sa loob ng compound. Tinatayang aabot sa P1.2 milyon ang halaga ng nasunog na mga ari-arian.

Mandaue City BFP, naalarma sa tumaas na bilang sa mga naitalang kaso ng sunog

news photo, Provincial
Anim na kaso ng sunog ang naitala ng Bureau of Fire Protection (BFP) mula sa buwan ng Enero hanggang sa Pebrero ng kasalukuyang taon sa Mandaue City. Ito ang sinabi ni Senior Fire Officer 4 Roy Garcia, chief operation ng BFP Mandaue City, kasunod ng pagsimula ng fire prevention month kahapon. Ayon kay Garcia na noong 2014, ang kanilang tanggapan nakapagtala ng 26 na kaso ng sunog at sa taong 2015 bumaba ito sa 24 na insidente ng sunog. Pero ngayong taon mula pa lamang sa buwan sa Enero hanggang sa Pebrero, 6 na insidente ng sunog ang nangyari sa lungsod kumpara sa 4 na sunog na kaparehong buwan sa nakaraang taon. Dahil dito, muling hinimok ng mga bombero ang publiko na mag-ingat laban sa sunog lalo na’t may El Niño phenomenon kung saan masyadong mainit ang panahon. Kahapo...