Mahindra – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Tag: Mahindra

Yap nakuha ang unang ‘Player of the Week’ title sa 2017 PBA Commissioner’s Cup

Yap nakuha ang unang ‘Player of the Week’ title sa 2017 PBA Commissioner’s Cup

Sports
Itinanghal na Philippine Basketball Association (PBA) “Player of the Week” si James Yap matapos na dalhin sa back-to-back victories ang defending champion na Rain or Shine Elasto Painters sa kabubukas pa lamang na 2017 Commissioner’s Cup. Bumida ang two-time “PBA Most Valuable Player” sa dalawang laro ng Elasto Painters kontra-NLEX at Mahindra. Sa pagsisimula ng midseason conference, nakapagtala si Yap ng average na 19.0 points at 3.0 rebounds at dinaig ang young backcourt ng MERALCO Bolts na si Base Amer at Chris Newsome. Susunod namang makasasagupa ng Elasto ang Blackwater Elite sa Linggo.
Sen. Pacquiao, ayaw pang bumitaw bilang coach ng koponang Mahindra

Sen. Pacquiao, ayaw pang bumitaw bilang coach ng koponang Mahindra

Sports
Wala pang balak si Senador at World Boxing Champion Manny Pacquiao na mag-quit bilang playing coach ng koponan ng Mahindra sa PBA. Matagal-tagal na ring hindi nakikita sa PBA court si Pacquiao dahil sa hectic schedule nito sa Senado. Ayon kay Pacquiao, dinadalaw-dalaw naman niya ang koponan. Hindi natuloy ang pagbabalik sa court ni Pacquiao noong linggo para sa Mahindra na tuluyan na ring na-eliminate sa Philippine Cup Tournament. Si Pacquiao ang nag-iisang aktibong Senador-Boksingero na kasali rin sa Professional Basketball.
Mahindra, susubukang sungkitin ang unang panalo sa kamay ng Ginkings

Mahindra, susubukang sungkitin ang unang panalo sa kamay ng Ginkings

Sports
Muling susubukan ng mahindra floodbuster na masungkit ang unang panalo sa kanilang laban sa Biyernes kontra Ginebra Ginkings. Wala pang naitalang panalo ang mahindra sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup matapos ang apat nilang laro. Ito ay kahit pa nagamit na ni Coach Chris Gavina ang labing-siyam nilang manlalaro na kinabibilangan nina Joseph Eriobu, Alex Mallari at Jeric Teng. Umaasa naman si Gavina na makabalik sa laro si Gary David na kasalukuyan pa ring nagpapagaling mula sa knee injury.

Barangay Ginebra hawak na ang 3 winning streak record matapos talunin ang Mahindra sa iskor na 104-86

news photo, Sports
Hawak na ngayon ng Barangay Ginebra ang 3 winning streak record matapos nilang talunin ang Mahindra sa iskor na 104-86. Pinangunahin ni Othyus Jeffers ang Ginebra na kumuha ng triple-doble score na 24 points, 13 rebounds at 7 assists. Nag-ambag din si La Tenorio ng 15 points, 7 assists at 6 boards. Samantala, sina Greg Slaughter at Japeth Aguilar naman ay nag-ambag ng 26 points at 21 rebounds para makuha ang panalo kontra sa koponan ng Mahindra. Sa unang 6 na minuto pa lamang ng laro ay lumamang agad ng 12 puntos ang Ginebra at matapos ang first half, lamang din ito ng 17 puntos sa iskor na 29- 46. Sa 2nd half naman, nagawang mapaliit ng Mahindra ang kalamangan ng Ginebra sa 10 puntos sa pagtatapos ng 3rd quarter. Ngunit, pagdating sa huling quarter ng laro ay lalo pang n...